Mga kongresista, nangangamba sa impeachment trial laban kay VP Duterte sa Senado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,954 total reads

Bagama’t nanaig sa Kamara ang suporta ng mga mambabatas sa impeachment complaint laban kay Sara Duterte sa botong 257 — higit sa kinakailangang one-third vote o 106 — nananatili pa rin umano ang agam-agam ng ilang mambabatas kaugnay ng magiging takbo ng paglilitis sa Senado.

Ayon kay Akbayan Partylist Perci Cendaña, umigting ang pangamba matapos ang biglaang pagbabago sa liderato ng Senado kasabay ng isinagawang botohan sa plenaryo ng Kamara hinggil sa impeachment ng Bise Presidente.

“Napakarami natin ngayong agam-agam bilang isang bansa, dahil habang kahapon (May 11) nagtagumpay ang konsensya at ebidensya. Kasi sabi ko nga, yung yesterday vote was about conscience and evidence, kasi nitong nakaraang weekend, grabe-napakatindi ng mga pressures sa members of the House of Representatives, mula sa black propaganda, fake news, hanggang sa outright na pananakot ng partido ni VP Sara Duterte sa mga boboto sa impeachment,” ayon kay Cendaña.

Giit pa ng mambabatas, naging matibay ang Articles of Impeachment dahil dumaan umano ito sa masusing proseso ng pagdinig at pagsusuri ng ebidensya.

“Siguro po, kaya ganun ang nangyari kahapon, kaya unimpeachable-ibig sabihin hindi maaring butasan iyong Articles of Impeachment at naging report ng Committee on Justice ay dahil nga ay ‘we went to the process,” dagdag niya.

Ayon kay Cendaña, bagama’t nanaig ang pagusulong ng impeachment ay hindi naman nakakatiyak ang publiko sa magigiging kahihinatnan ng kaso sa ilalim ng bagong pamunuan ng senado.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Cendaña na ang biglaang pagpasok ni Sen. Ronald Dela Rosa sa Senado matapos ang pagliban ng may anim na buwan ay layunin lamang na tiyakin na palitan ang noo’y si Senate President Vicente Sotto III.

“Nakakabagabag ang nangyari sa Senado, dahil alam naman po natin ‘yung dating senate president, then Senate President Tito Sotto III, sinabi niya sa na sa kaniya malinaw ang ibig sabihin ng ‘forthwith’. Ito yung dictionary definition na alam nating lahat ‘forthwith’ sa lalong madaling panahon ‘immediately,” aniya.

Matatandaang nailuklok bilang bagong Senate President si Sen. Alan Peter Cayetano sa botong 13, na kilalang kaalyado ng Bise Presidente.

Ayon pa kay Cendaña, posibleng nababahala ang kampo ni Duterte sa bigat ng mga ebidensyang maaaring iharap sa impeachment trial.

“Tingin ko kinabahan ang Bise Presidente dahil sa tindi ng ebidensya, at kapag nagsimula ang paglilitis ay mahihirapan silang pasubalian ang mga nakalap na dokumento at testimonya,” pahayag niya.

Binatikos din nito ang pamumulitika sa Senado na nagresulta sa pagpapalit ng liderato sa gitna ng usapin ng impeachment.

Nanawagan naman si Cendaña sa publiko na manatiling mapagbantay upang matiyak na mananaig ang katotohanan sa proseso ng impeachment.

“Napakalaking kasalanan ang pagbali sa katotohanan at ang pagdeny ng due course sa katotohanan dahil hindi lamang ito usapin ni VP Sara Duterte kundi usapin ito ng sambayanang Pilipino,” ani Cendaña.

Dagdag pa niya, maging ang ilang tagasuporta ng Bise Presidente ay nais ding marinig ang paliwanag nito sa paglilitis.

“The Vice President deserves her day in court, so does the Filipino people,” saad ng kongresista.

Una nang inihayag ng House Committee on Justice ang agarang pagpapadala sa Senado ng Articles of Impeachment matapos itong pagtibayin ng plenaryo ng Kamara noong Lunes ng gabi.

Naghahanda na rin ang Mababang Kapulungan sa pagbuo ng 11-member prosecution panel bilang paghahanda sa inaasahang pag-convene ng Senado bilang impeachment court.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 44,417 total reads

 44,417 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 199,024 total reads

 199,024 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 233,697 total reads

 233,697 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 249,597 total reads

 249,597 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 286,085 total reads

 286,085 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 292,824 total reads

 292,824 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top