Pairalin ang katotohanan at pananagutan, apela ni Cardinal David sa kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,757 total reads

Nanawagan si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David sa mamamayan at mga lingkod-bayan na pairalin ang katotohanan, pananagutan, at paggalang sa mga demokratikong institusyon sa gitna ng umiinit na mga usaping pampulitika sa bansa.

Sa kanyang mensahe na may titulong “Truth, Institutions, and the Common Good,” sinabi ng Cardinal na ang mga demokratikong institusyon ay higit na nasusubok sa mga panahong puno ng tensyon at hidwaan sa politika.

Ayon kay Cardinal David, sawa na ang maraming Pilipino sa ingay, propaganda, at bangayang pampulitika kaya’t mas ninanais na ng taumbayan ang malinaw, makatotohanan, at mahinahong pagtalakay sa mga usaping panlipunan.

“The events of the past days remind us that democratic institutions are tested precisely in difficult and politically charged moments such as this. Many of our people are tired of noise, propaganda, and partisan shouting matches. What they long for is clarity. They want to hear facts discussed soberly, evidence weighed carefully, and public officials acting with integrity and maturity.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal David.

Binigyang-diin din ng Cardinal ang kahalagahan ng paggalang sa mga umiiral na konstitusyonal na proseso ng bansa upang maisulong ang pananagutan at katotohanan sa pamamagitan ng makatarungan at legal na pamamaraan.

Paliwanag ni Cardinal David, ang mga institusyon ay umiiral sa mga sandaling tulad nito hindi upang magsulong ng pagkakawatak-watak, kundi upang tulungan ang bansa na makamit ang pananagutan, pagiging patas, at katotohanan sa pamamagitan ng mga legal na paraan sa halip na sa pamamagitan ng opinyon ng karamihan o mga drama sa politika.

“For this reason, I hope the constitutional processes now set in motion will be allowed to take their course responsibly and without unnecessary obstruction. Institutions exist precisely for moments like this—not to inflame division, but to help a nation seek accountability, fairness, and truth through lawful means rather than through mob opinion or political theater.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Dagdag pa ng Cardinal, mahalaga ring maging mapanuri ang mamamayan at iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon at pagpapababa sa seryosong usapin sa mga slogan o personalidad lamang sa politika sapagkat ang mga usaping ito ay may direktang epekto sa antas at paraan ng pamumuhay ng bawat mamamayan sa lipunan.

“This is also a time for citizens to be discerning. We should resist manipulation from every side, avoid amplifying unverified claims, and refuse to reduce complex issues into partisan slogans or personalities.” Ayon pa ni Cardinal David.

Pagbabahagi pa ng Cardinal, higit na tumitibay ang demokrasya ng bansa kapag maingat na hinahanap ang katotohanan, maayos na gumagana ang mga institusyon ng pamahalaan, at nananatiling mapagmatyag at responsable ang bawat mamamayan para sa kabutihang panlahat o common good.

“Our democracy becomes fragile when public trust erodes. But it becomes stronger whenever truth is pursued patiently, institutions function properly, and citizens remain morally grounded, vigilant, and engaged in the common good,” Mensahe pa ni Cardinal David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 122,431 total reads

 122,431 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 155,760 total reads

 155,760 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 187,904 total reads

 187,904 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 253,967 total reads

 253,967 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 265,362 total reads

 265,362 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top