Bishop Mangalinao, naninindigan laban sa mining exploration sa Nueva Vizcaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,012 total reads

Muling nanindigan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao laban sa mining exploration ng Northern Luzon Mineral Resources sa bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya kasunod ng pagtatayo ng dalawang bagong barikada ng mga residente noong ika-10 ng Mayo.

Sa inilabas na opisyal na pahayag, sinabi ni Bishop Mangalinao na ang pagmimina sa lugar ay sumasaklaw sa mahigit 4,400 ektarya na kinabibilangan ng mga barangay ng Pao, Kakiduguen, at iba pang karatig na komunidad.

Binigyang-diin ng obispo ang patuloy na pakikiisa ng Simbahan sa mga residenteng tumututol sa mga gawaing pagmimina na maaaring magdulot ng pinsala sa kabundukan, mga watershed, kabuhayan, at kaligtasan ng mga pamayanang umaasa sa likas-yaman ng lalawigan.

“Muli po tayong tumitindig at naninindigan! Ang pagmimina ay lubhang nakasisira sa kabundukan, kapaligiran, kalikasan, kabuhayan, at buhay,” pahayag ni Bishop Mangalinao.

Hinimok din ni Bishop Mangalinao ang publiko na suportahan ang mga pamayanang matapang nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at nagtatanggol sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Iginiit ng obispo na ang pagtatanggol sa kalikasan ay hindi lamang usaping pangkabuhayan kundi pananagutang moral at espiritwal ng bawat mananampalataya.

“Bilang tanda ng ating pagiging maka-Diyos, makatao, makabayan, at makakalikasan, mangyari po na ating muling suportahan ang mga mamamayan na matapang na nagtatanggol sa ating kalikasan at kinabukasan,” ayon sa obispo.

Ibinahagi rin ni Bishop Mangalinao ang nakasaad sa Aklat ng Genesis, na tungkulin ng tao na pangalagaan at ingatan ang nag-iisang tahanan bilang biyaya ng Diyos.

“Muli tayong magsama sama sa pagtutol sa pagsira ng ating kalikasan, kabuhayan, at buhay! No to destructive mining! Defend Nueva Vizcaya! Defend our Watersheds! Defend our life and livelihood,” saad ni Bishop Mangalinao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,100 total reads

 63,100 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,002 total reads

 142,002 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 175,447 total reads

 175,447 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 210,745 total reads

 210,745 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 434,726 total reads

 434,726 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,380 total reads

 157,380 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top