15,825 total views
Nagpapasalamat si Miss Universe Philippines – Miss Philippines Cosmo 2025 Chelsea Fernandez sa oportunidad na maging bahagi ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP TELETHON 2025.
Ayon kay Fernandez, nagkaroon ito ng pagkakataong makatulong sa mga YSLEP scholar na matustusan ang kanilang pag-aaral at makatapos ng karera sa kolehiyo.
Ikinagalak ni Fernandez ang pagkakataong makasalamuha at personal na makilala ang mga YSLEP scholars na nakibahagi sa telethon na idinaos sa himpilan ng Radyo Veritas.
“I had the opportunity to connect with some scholars from the Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) by Caritas Manila, it was truly enlightening to hear about their experiences in school and in life and to discuss how they can advance with the support of others,” ayon sa mensahe ni Fernandez.
Ipinagpapasalamat din ni Fernandez ang oportunidad na makakuwentuhan ang mga YSLEP kasama sina Miss Universe Philippines 2nd runner up 2025 Yllana Marie Aduana, Mister Pilipinas Eco International 2026 Kitt Cortez at Mister Pilipinas Man of the Year Maykel Toledo.
Umabot sa 5.8-million pesos ang nalikom na donasyon sa Caritas Manila YSLEP Telethon 2025 sa Radyo Veritas.
Gagamitin ang nakalap na pondo sa pagpapaaral sa humigit-kumulang sa limang libong YSLEP scholars para sa School Year 2025-2026.