18,044 total views
Inaanyayahan ng opisyal ng simbahan ang mananampalataya na makiisa sa Philippine Apostolic Congress on Mercy (PACOM 2025) na isasagawa sa Archdiocese of Davao sa August 28 hanggang 30, 2025.
Ayon kay WACOM Espiscopal Coordinator for Asia, Antipolo Bishop Ruperto Santos ito ay natatanging panahon para magbuklod ang mga deboto ng Divine Mercy para sa pagninilay at pagpapanibago.
“As we come together for PACOM 2025, we are called not only to receive His merciful love but to live it, share it, and become instruments of that mercy to others. This congress is an opportunity to deepen our understanding of Divine Mercy through prayer, fellowship, and inspiring talks from esteemed speakers who will guide us in reflecting upon Christ’s boundless love,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Batid ng obispo na nahaharap ang mundo sa iba’t ibang hamon at kawalang katiyakan bunsod ng mga karanasang kasabay ng pagbabago ng panahon subalit nanatiling matatag ang bawat isa dahil sa dakilang habag at awa ng Panginoon.
Binigyang diin ni Bishop Santos na ang PACOM 2025 ay ay panahon upang matutuhan at maranasan ng tao ang walang hanggang awa ng Diyos na ipinagkaloob sa bawat isa lalo na sa paglilingkod sa kapwa, pamilya, mga nangangailangan at sa buong pamayanan.
Umaasa si Bishop Santos na magbuklod ang mananampalataya para sa iisang layuning makibahagi sa misyon ni Hesus at muling mapag-alab ang mga puso upang maging masigasig sa pagiging saksi sa habag ng Panginoon.
“May this congress ignite in our hearts a renewed zeal for mercy, a deeper trust in God’s providence, and a firm hope in the redeeming love of Jesus Christ. I encourage you to come, participate, and immerse yourselves in this beautiful encounter with Divine Mercy. May this event bring transformation in our lives, leading us ever closer to Christ, who is Mercy Himself,” dagdag ni Bishop Santos.
Target ng pamunuan ng PACOM 2025 ang 3, 000 delegado na isasagawa sa University of Southeastern Philippines Gymnasium sa Davao City.
Tema sa PACOM 2025 ang ‘Divine Mercy Our Hope, Embracing God’s Merciful Love’ kung saan tampok sa tatlong araw na congress ang mga panayam sa iba’t ibang paksa gayundin ang adoration at pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.
Maaring bisitahin ang Facebook Page na PACOM 2025 kung saan mayroong itong registration fee na P4, 500 para sa conference kit at maaring magpadala sa pamamagitan ng BPI sa account name Apostolates of Mercy Archdiocese of Davao, account number 2883-0782-52.