Pangalagaan ang dignidad ng tao, panawagan ni Pope Leo XIV sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,558 total reads

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mamamayan na pangalagaan ang dignidad ng tao sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence at umiiral na kaguluhan sa mundo.

Sa kanyang Regina Caeli sa Vatican noong May 17, sinabi ng Santo Papa na mahalagang manatiling nakasentro sa katotohanan ng tao ang anumang makabagong teknolohiya.

“In this era of artificial intelligence, I encourage everyone to commit themselves to promoting forms of communication that always respect the truth of the human person,” ayon kay Pope Leo XIV.

Binigyang-diin ni Pope Leo na dapat nakatuon sa paggalang sa dignidad at katotohanan ng tao ang anumang mga pagbabago at pag-usbong ng teknolohiya.

Muling nanawagan ang Santo Papa ng pagsusulong ng kapayapaan at pangangalaga sa sangnilikha lalo na sa paggunita ng Laudato Si’ Week ngayong taon.

Aminado ang punong pastol ng simbahan na naapektuhan ng mga digmaan ang pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa sa daigdig.

“Sadly, in recent years, due to wars, progress in this direction has been greatly impeded,” ayon kay Pope Leo XIV.

Dahil dito, hinimok nito ang mga mananampalataya at mga nagsusulong ng integral ecology na paigtingin ang pagkilos para sa kapayapaan at buhay.

“Indeed, caring for peace is caring for life!” dagdag pa ng Santo Papa.

Sa pagninilay naman ukol sa Pag-akyat ni Hesus sa Langit, sinabi ni Pope Leo XIV na ang Ascension ay hindi lamang pangakong malayo kundi “a living bond” na naglalapit sa sangkatauhan sa ganap na pakikipagkaisa sa Diyos.

Paalala rin ng Santo Papa na si Kristo ay nagdadala ng liwanag, pagpapatawad, at pag-asa sa gitna ng kadiliman ng kawalang-katarungan at kawalang-pag-asa bunsod ng iba’t ibang hamong kinakaharap ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 55,034 total reads

 55,034 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 151,505 total reads

 151,505 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 195,774 total reads

 195,774 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 218,883 total reads

 218,883 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 291,562 total reads

 291,562 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top