Pontifical coronation, igagawad sa mapaghimalang imahen ng birhen sa Cotta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,071 total reads

Inihayag ng Archdiocese of Ozamis ang makasaysayang paggawad ng Pontifical Coronation sa mapaghimalang imahen ng Nuestra Señora de la Inmaculada Concepción y del Triunfo de la Cruz de Migpangi o mas kilala bilang Birhen sa Cotta.

Sa pabatid ng Archdiocesan Marian Shrine of the Birhen sa Cotta, isang “monumental milestone” sa kasaysayan ng lokal na simbahan ang pagkakaloob ng pinakamataas na pagkilala sa naturang imahen.

“By mandate of the Holy See, the venerable and miraculous image of Nuestra Señora de la Immaculada Concepción y del Triunfo de la Cruz de Migpangi (Birhen sa Cotta) will be elevated to the highest honor with a Pontifical Coronation,” ayon sa pahayag ng dambana.

Itinakda sa July 8, 2026 ang pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhen na pangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown sa Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception sa Ozamiz City.

Binigyang-diin ng arkidiyosesis na nananatiling matatag na sandigan ng pananampalataya ng mamamayan ang debosyon sa Birhen sa Cotta sa loob ng maraming henerasyon.

“Her maternal protection has remained an unshakeable anchor of faith,” ayon sa pahayag.

Ang Birhen sa Cotta o Nuestra Señora de la Inmaculada Concepción y del Triunfo de la Cruz de Migpangi ay isang sinaunang debosyon sa lugar na nakaugnay sa lumang kuta o “cotta” na itinayo noong panahon ng Kastila.

Itinuturing itong tagapangalaga ng lunsod at naging simbolo ng pananampalataya at proteksyon ng mga deboto sa loob ng maraming siglo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 51,600 total reads

 51,600 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 98,343 total reads

 98,343 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 199,610 total reads

 199,610 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 269,795 total reads

 269,795 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 353,272 total reads

 353,272 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top