Mga pari ng Diocese of Tagbilaran, nagtanim ng Narra tree

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,455 total reads

Nagkaisa ang mga Paring Bol-anon mula sa Diyosesis ng Tagbilaran sa pagtatanim ng mga puno ng Narra sa bayan ng Sikatuna, Bohol.

Inihayag ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy na humigit-kumulang sa 90 Narra tree ang itinanim sa Sikatunarra Tree Park, na alay sa bawat obispo ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.

Bahagi rin ang gawain ng pagdiriwang ng Diyosesis sa Jubilee Year of Hope for the Environment at paghahanda sa nalalapit na retreat at ika-130 Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

“Each Paring Bol-anon from the Diocese of Tagbilaran planted a Narra tree in honor of a Catholic bishop in the Philippines. This symbolic act is in anticipation of the upcoming Retreat and Plenary Assembly of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP),” ayon kay Bishop Uy.

Sinabi ni Bishop Uy na sinisimbolo ng gawain ang makabuluhang hakbang ng Simbahan sa panawagan para sa pangangalaga at pagpapahalaga sa kalikasan, kasabay ng pagkilala sa mahalagang tungkulin ng mga obispo sa buhay ng sambayanang Katoliko.

Nagpapasalamat naman ang obispo sa suporta ng Pamahalaang Bayan ng Sikatuna sa pangunguna ni Mayor Jecjec Ellorimo upang maisakatuparan ang makakalikasang gawain.

“We are deeply grateful to Mayor Jecjec Ellorimo and the Local Government Unit of Sikatuna for their generous support in making this meaningful activity possible,” ayon kay Bishop Uy.

Una na ring kinilala ni Bishop Uy ang Sikatunarra Tree Park Project ng lokal na pamahalaan, na hango sa pinagsamang pangalan ng bayan ng Sikatuna at ng Narra—ang Pambansang Puno ng Pilipinas.

Layunin ng proyekto na magtanim ng daan-daang libong puno ng Narra sa mga bakanteng lupain ng bayan upang gawing malawak na tree park para sa mga susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 32,576 total reads

 32,576 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 67,251 total reads

 67,251 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 96,578 total reads

 96,578 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 133,060 total reads

 133,060 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 149,309 total reads

 149,309 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 84,247 total reads

 84,247 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top