Ipagdasal ang kapayapaan sa Middle East, apela ni Bishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,665 total reads

Umapela si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa nasasakupang mananampalataya na magbuklod sa pananalangin sa natatanging intensyon para sa kapayapaan ng Middle East.

Binigyang diin ng obispo na ang digmaan ay nagdudulot lamang ng labis na pagkawasak ng pamayanan at pagdurusa ng mamamayang apektado lalo na sa mga inosenteng sibilyan at mga bata.

“With a heavy heart, I appeal to all the faithful in the Diocese of Tagbilaran to offer daily prayers and personal sacrifices for peace in the Middle East, especially for the cessation of the escalating conflict between Israel and Iran,” ayon sa mensahe ni Bishop Uy.

Tinuran ni Bishop Uy na isa sa mga epekto ng digmaan ang pagkasira ng mga pamilya, mga paaralan at lugar dalanginan kung saan nagbubuklod ang tao para sa paghuhubog at pagpupuri sa Diyos.

Sinabi ng obispo na hindi lamang sa Middle East nararamdaman ang epekto ng digmaan kundi maging sa buong mundo.

“The violence is breeding deeper hatred and division, and its effects are being felt not just in the region, but across the world, threatening the stability of many nations and the lives of countless peoples,” giit ni Bishop Uy.

Nanindigan si Bishop Uy na sa gitna ng mga karahasang nangyayari sa mundo ay nanatiling matibay na sandata ang mga panalangin at tungkulin ng bawat kristiyano ang maging instrumento ng kapayapaan sa lipunan sa pamamagitan ng mataimtim na pagdulog sa Diyos kasama ang Mahal na Birheng Maria ang Reyna ng kapayapaan.

Naniniwala ang pastol na sa sama-samang pananalangin at sakripisyo ng mananampalataya ay mahipo ang puso ng mga lider ng magkatunggaling mga bansa upang magkaroon ng dayalogo tungo sa pagkakasundo.

“I encourage every family, every parish, every religious community in our diocese to include in their daily intentions this prayer for peace. Let our daily Rosaries, Holy Masses, and personal offerings rise like incense before God, pleading for mercy and healing for our broken world,” dagdag ni Bishop Uy.

Sa ulat ng Israel humigit kumulang 400 balllistic missile at daang daang drones ang pinalipad ng Iran kung saan 35 rito ang nakapasok sa defensive shield ng Israel.

Iniulat naman ng Iran ang 224 na nasawi sa anim na araw na digmaan habang 24 naman sa Israel.

Pinangangambahan naman ang krisis sa suplay ng langis kasunod ng air strikes lalo’t apektado ang gas field sa South Pars na pangunahing pinagkukunan ng Iran at Qatar.

Paanyaya ni Bishop Uy sa mananampalataya na huwag mapagod sa pagdulog sa Panginoon para sa kapayapaan at kaayusan ng sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 32,591 total reads

 32,591 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 67,266 total reads

 67,266 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 96,593 total reads

 96,593 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 133,075 total reads

 133,075 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 149,323 total reads

 149,323 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top