13,242 total views
Tiniyak ni European Ambassador to the Philippines Luc Véron ang matatag na relasyon ng Pilipinas at EU sa paggunita ng ika-60 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng dalawang panig.
Ito ang pahayag ng opisyal sa pagpapasinaya ng exhibit sa Yuchengco Museum sa RCBC Plaza Makati na ginugunita ang ika-60 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at EU.
Tampok sa exhibit na tatagal hanggang ika-14 ng Hunyo 2024 ang mga larawan, obra at ipa bang simbolo ng matatag na alyansa sa pagitan ng EU at Pilipinas.
Ayon kay Véron, sa mga nakalipas na taon ay nagpapatuloy at higit pang tumatag ang kalakalan at pagtutulungan upang tugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa larangan ng humanitarian aid at trade relations.
“First of all its a great to be able to celebrate together with our Filipino partners, 60 years of diplomatic relations since 1964, when the Philippines was sending the first ambassador to the European Economic Community to this day we have done so much together in terms of our cooperation, our trade relations, humanitarian, cultural, it’s a very rich, deep relationship and we can only dream for even more for the future,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Véron.
Tiniyak din ng Opisyal ang pagiging interesado ng EU sa mga investment opportunity higit na ngayong isinusulong ito ng mga economic managers ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior.
Ikinagalak din ni Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo Jose De Vega na 60 taong pagtutulungan ng Pilipinas at EU.
Ayon kay De Vega, ito ay dahil narin sa naging ambag at empluwensya ng kultura ng Espanya na bahagi ng EU sa Pilipinas.
“So I was formally ambassador to the European Union but today is the best time for Philippine Relations, we are now once again vigorous and we’re confident that we’ll soon sign more agreements strengthen our cooperation,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay De Vega.
Nabatid na ang E-U ang ika-limang pinakamalaking trade partner ng Pilipinas.
Taong 1964 ng magsimula ang relasyon ng Pilipinas sa EU na higit na napatibay kung saan bukod sa pakikipag-kalakalan ng mga produkto ay nagpapalitan na rin ng workforce ang dalawang panig.
Unang naging mensahe ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa mga world leaders na iwaksi na ang hindi pagkakaintidihan sa halip ay unahin ang pagpapataas sa antas ng pamumuhay ng mamamayan.