Manggagawang Pilipino, hinikayat na gawing inspirasyon si San Jose Manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,905 total reads

Hinimok ng dalawang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mga manggagawa na gawing inspirasyon si San Jose Manggagawa upang mapagtagumpayan ang anumang hamong kakaharapin.

Ito ang paalala ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco at San Fernando La Union Bishop Daniel Presto sa mga manggagawa sa paggunita ng labor day.

Hinikayat din ng dalawang Obispo ang mga manggagawa na huwag mahiyang lumapit sa simbahan sa kanilang pangangailangang espiritwal.

Ipinagdarasal ni Bishop Ongtioco na katulad ni San Jose ay lalu pang magpunyagi at mahalin ng mga manggagawa ang kanilang trabaho na tumutugon sa pangangailangan ng pamilya at sarili.

Iginiit ng Obispo na kinilala ng Vatican II ang mahalagang ambag ng mga manggagawa sa lipunan at sangkatauhan.

“The Church continues to highlight the dignity of man and his rights. We go back to the moment of creation 6th day, God entrusted to man His creation making him his manager and copartner in caring and developing the world. Pope Pius XII in 1955 instituted the feast of St Joseph the Worker because the communist and socialist ideals threaten the dignity of workers and family life. Vatican II underscores the important contribution of workers in society and civilization,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.

Ipinarating naman ni Bishop Presto ang patuloy na pananalangin at pakikiisa ng simbahan sa mga manggagawa upang mapalakas ang kanilang apela at mga panawagan sa pamahalaan.

Inihayag ni Bishop Presto na kasama ng mga manggagawa ang simbahan sa hangaring makamit ang nararapat na sahod at benepsiyo.

Ipinapanalangin din ng Obispo na mapaigting ng pamahalaan ang pagsuporta sa lokal na sektor ng pagnenegosyo tungo sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

“Ang pagdiriwang ng araw ng manggagawa ay pagkilala sa contribution ng mga manggagawa sa ating lipunan, sila na mga workers dito at sa labas ng bansa, mga permanent at contractual workers, mga manggagawang mula sa pagsasaka, pangingisda, nasa opisina, factory, mga jeeney/bus/tricycle drivers, at iba pang sulok ng ating komunidad, sa ating paggunita sa kanila ay atin ding kinikilala ang iba’t ibang kalagayan nila nila tulad ng mga kumikita ng mababa at hikahos ang buhay, mga pinagsasamantalahan at inaabuso, mga hirap pagkasyahin ang kita sa maghapon , at mga nawalan ng trabaho dulot ng iba ibang kadahilanan,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Presto sa Radio Veritas.

Nabatid sa datos ng Presidential Communication Office noong 2023 na mahigit sa 50-milyong Pilipino ang workforce ng Pilipinas.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 23,447 total reads

 23,447 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 43,998 total reads

 43,998 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 119,245 total reads

 119,245 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 204,615 total reads

 204,615 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 251,351 total reads

 251,351 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 299,222 total reads

 299,222 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 397,124 total reads

 397,124 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 43,999 total reads

 43,999 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top