Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

EJK memorial site, pormal ng binuksan

SHARE THE TRUTH

 7,723 total views

Pinasinayaan ng Arnold Janssen Kalinga Foundation, Inc. ang kauna-unahang Extra-judicial killing (EJK) memorial site sa bansa na matatagpuan sa loob ng La Loma Catholic Cemetery, Caloocan City.

Pinangunahan ni AJ Kalinga Foundation Inc. Founder at President, Fr. Flavie Villanueva, SVD at Diocese of Kalookan Vicar General Fr. Jerome Cruz ang pagpapasinaya at pagbabasbas sa Dambana ng Paghilom na naaangkop na himlayan para sa mga naging biktima ng madugong drug war ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Fr. Villanueva, ang Dambana ng Paghilom ay inisyatibo ng simbahan upang muling maipadama sa mga naulilang pamilya ng EJK victims ang pag-asa at paghilom sa kabila ng mga karahasang nangyayari sa bansa.

“Nagkaroon ng Dambana ng Paghilom sapagkat merong nasugatan at mayroong nanugat. Ito ‘yung sinasabi nating napakadugong trahedya na naganap noong 2016 hanggang sa pagtatapos ng pamumuno ni [Pangulong] Rodrigo Duterte. Ni-weaponize niya ang mga pulis, nagkaroon ng state killings at ito’y nagresulta sa 6,000, pahayag ng pulis, ngunit sa human rights watch, 30,000 ang bilang. Dahil sila’y nasugatan, trabaho, misyon ng simbahan ang maghandog ng paghilom,” pahayag ni Fr. Villanueva sa panayam ng Radio Veritas.

Kasabay ng pagpapasinaya sa memorial site ay ang paglalagak sa 11-urns ng drug-war victims sa pangunguna ng mga naulilang pamilya.Tinatayang 400-urns ang maaaring ihimlay sa 100 espasyo ng memorial site.

“Layunin niya ay maghandog ng may dangal na himlayan para sa mga biktima.Pangalawa, layunin niya na ituro, ipaalala sa mga nakakalimot at hindi nakakaalam, kahit sa nagmamaang-maangan na mayroong ganitong kasaysayan. Pangatlo, upang ipaalala sa mga biktima na hindi sila nag-iisa…may pananagutan ang bawat isa sa kapwa. Panghuli, ipaalala na ang bawat isa ay tinatawag na maging dambana ng paghilom sa kapwa upang ang bansang sugatan, ang simbahang nalilito at naglalakbay ay makahanap ng ilaw at gabay mula sa Panginoon na siyang unang naglikha ng dambana ng paghilom,”
pagbabahagi ni Fr. Villanueva.

Kabilang sa mga dumalo sa pagpapasinaya sina Running priest Fr. Robert Reyes; Senator Risa Hontiveros; former-Sen. Leila de Lima; at forensic pathologist Dr. Raquel Fortun.

Saksi rin sa gawain ang Philippine diplomats na sina European Union Ambassador Luc Véron; German Ambassador Dr. Andreas Michael Pfaffernoschke; Dutch Ambassador Marielle Geraedts; at British Ambassador Laure Beaufils.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Hindi sapat ang kasikatan

 1,097 total views

 1,097 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 8,412 total views

 8,412 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 58,736 total views

 58,736 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 68,212 total views

 68,212 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 67,628 total views

 67,628 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Opisyal ng CBCP, dismayado sa NCIP

 2,477 total views

 2,477 total views Iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples ang kahalagahan ng pagbibigay ng ancestral domain titles sa mga katutubo. Ayon kay Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, chairman ng komisyon, mahalaga para sa mga katutubo ang pagkakaroon ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) upang sila’y maging katuwang sa pangangalaga sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagsusulong sa kapakanan ng mga IP, pinagtibay ng simbahan at LGU’s

 2,573 total views

 2,573 total views Tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga ang patuloy na pakikipagtulungan at pagsuporta sa mga proyekto ng simbahan para sa kapakanan ng mga katutubo. Ayon kay Kalinga Governor James Edduba, layunin ng pakikipag-ugnayan na ipalaganap ang mahalagang misyon ng simbahan sa paghubog ng mga katutubong pamayanan, lalo na sa aspeto ng edukasyon. Binanggit ni

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Bishop Vergara, pinangunahan ang pagtatalaga sa San Lorenzo Ruiz Parish Church sa Laguna

 4,951 total views

 4,951 total views Bishop Vergara, pinangunahan ang pagtatalaga sa dambana sa San Ruiz Parish Church. Pinangunahan ni San Pablo Apostolic Administrator Bishop Mylo Hubert Vergara ang pagtatalaga sa Dambana at Simbahan ng San Lorenzo Ruiz Parish sa Sta. Rosa City, Laguna. Isinagawa ang pagdiriwang nitong September 27, bisperas ng kapistahan ni San Lorenzo Ruiz, kung saan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Our Lady of Miraculous Medal parish, nilooban

 6,470 total views

 6,470 total views Naglabas ng pahayag ang Parish Pastoral Council ng Our Lady of the Miraculous Medal Parish (OLMMP) sa Project 4, Quezon City kaugnay sa insidente ng pagnanakaw sa parokya, kagabi. Napag-alamang nilooban at ninakawan ang parokya nang buksan ang simbahan nitong umaga ng Setyembre 27, kung saan kinuha sa kinalalagyan at sapilitang binuksan ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mag-ingat sa Holloween costumes at decorations na may halong kemikal, babala sa mamamayan

 6,567 total views

 6,567 total views Binalaan ng BAN Toxics ang publiko laban sa pagbili ng Halloween costumes at decorations na maaaring may sangkap na nakalalasong kemikal ngayong nalalapit na ang paggunita sa Undas o All Saints’ Day at All Souls’ Day. Ayon kay BAN Toxics Campaigner Thony Dizon, bukod sa nakakatakot na hitsura ng mga produkto, dapat ding

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nanindigan laban sa Kaliwa dam

 7,145 total views

 7,145 total views Muling pinagtibay ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang paninindigan para sa pangangalaga sa mga likas na yaman at karapatan ng mga katutubong pamayanan. Ito ang binigyang-diin ng Caritas Philippines sa paggunita ngayong araw sa Save Sierra Madre Day. Ayon sa institusyon, ang Sierra Madre, bukod sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagpaslang sa isa na namang anti-mining advocate, kinundena ng ATM

 7,638 total views

 7,638 total views Mariing kinokondena ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang pagpaslang kay Alberto Cuartero, isang anti-mining advocate at kapitan ng Barangay Puyat, Carmen, Surigao del Sur. Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, hindi makatarungan ang sinapit ni Cuartero gayong nais lamang nitong ipagtanggol ang karapatan ng kinasasakupan mula sa epekto ng mapaminsalang pagmimina. “We

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Earth Hour, isasagawa ng Archdiocese of Davao

 7,265 total views

 7,265 total views Isasagawa ng social arm ng Archdiocese of Davao ang sabayang pagpapatay ng mga ilaw at kagamitang de-kuryente bilang bahagi ng pagdiriwang sa Season of Creation ngayong taon. Hinihikayat ng Davao Archdiocesan Social Action Center ang mga mananampalataya para sa Earth Hour sa September 28, mula alas-8 hanggang alas-9 ng gabi bilang paraan ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagpapahinto sa PAREX project, panawagan ng Diocese of Pasig

 8,429 total views

 8,429 total views Hinimok ng Diocese of Pasig Ministry on Ecology ang mamamayan na makiisa sa panawagan sa pangangalaga at pagpapanumbalik sa mga ilog para sa kapakanan ng susunod na mga henerasyon. Ayon kay Ecology ministry director, Fr. Melvin Ordanez, ang mga ilog ay nagbibigay-buhay, hindi lamang sa mga nilalang na umaasa rito, kundi maging sa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Huwag mag-astang amo ng taumbayan, babala ng Obispo

 8,027 total views

 8,027 total views Nanawagan si 1987 Constitutional framer, Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. sa mamamayan para sa patuloy na pagbabantay at pananagutan, lalo na ang mga may katungkulan sa pamahalaan. Ayon kay Bishop Bacani, hindi dapat isantabi ng publiko at mga namumuno na ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay paglilingkod at hindi para maging amo ng taumbayan.

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

VP Sara, hindi dapat palampasin sa ginawang pagkakamali

 9,259 total views

 9,259 total views Binigyang-diin ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani, Jr. ang kahalagahan ng pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan, lalo na sa mga pampublikong pagdinig o public hearings. Ito ang pahayag ni Bishop Bacani kaugnay sa mga naging pagkilos ni Vice president Sara Duterte sa budget hearing para sa Office of the Vice President (OVP), gayundin

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Save Tañon Strait, inilunsad

 9,277 total views

 9,277 total views Inilunsad ng mga makakalikasang grupo mula sa Cebu at Negros ang “Save Tañon Strait” campaign bilang mariing pagtutol sa binabalak na pagpapalawak ng coal-fired power plant sa Toledo City, Cebu. Layunin ng inisyatibo na paigtingin ang panawagan para pangalagaan ang Tañon Strait, ang pangalawang pinakamalaking marine protected area sa bansa at kinikilala bilang

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Diocese of San Carlos, nanawagan ng tulong

 9,913 total views

 9,913 total views Patuloy ang pagpapalikas sa mga residente sa loob ng four-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) mula sa Mount Kanlaon bunsod ng patuloy na pagtaas ng aktibidad ng bulkan. Ayon kay San Carlos Social Action Director, Fr. Ricky Bebosa, mula pa noong nakaraang linggo ay ipinag-utos na ng lokal na pamahalaan ng Kanlaon City,

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Advocacy conference, isasagawa ng UST

 9,446 total views

 9,446 total views Magsasagawa ng advocacy conference ang University of Santo Tomas-Institute of Religion (UST-IR) sa pamamagitan ng Committee on Religious and Academic Formation of Thomasians (CRAFT) bilang pagdiriwang sa 2024 United Nations International Day of Peace at pagtugon sa ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco. Tema ng gawain ang “Together We Dream, Hope,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Diocese of Marbel, nagdeklara ng climate emergency

 10,739 total views

 10,739 total views Nagdeklara ng climate emergency ang Diocese of Marbel bilang panawagan laban sa umiiral na suliraning pangkalikasan sa kinasasakupang mga lalawigan sa Soccsksargen Region. Noong ika-15 ng Setyembre 2024, inatasan ni Bishop Cerilo “Alan” Casicas ang mga saklaw na parokya na basahin ang deklarasyon ng climate emergency sa mga Banal na Misa, bunsod ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top