8,675 total views
Nakikiisa si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga nangangambang pamilya ng apat na Filipino Seafarers ng Container Ship MSC Aries matapos silang hulihin ng Iranian Forces habang naglalayag sa karagatan ng Hormuz na malapit sa Oman noong April 13.
Ayon sa Obispo na siya ring CBCP-Bishop Promoter ng Stella Maris Philippines, nawa sa kabila ng pagkaipit ng mga Pilipinong mandaragat sa mga katulad ng pangyayari ay makauwi silang ligtas.
Tiwala din si Bishop Santos na tuloy-tuloy ang pakikipag-diyalogo ang pamahalaan ng Pilipinas katulad ng Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers.
“It is sad news, Like their families we too are worried for their condition, We are so concerned with their safety, In this problematic situation we turn to God for His mercy to keep our four seafarers safe, stable and healthy, We trust our government officials for necessary diplomatic assistance and assurance to exhaust all means to bring them safely home,” mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Tiniyak din ni Bishop Santos ang pag-aalay ng mga panalangin at misa para sa kaligatasan ng mga Filipino Seafarers kabilang na ang 25-limang crew ng MSC Aries.
Ito ay upang makauwi ng ligtas at mailayo sa anumang kapahamakan ang mga mandaragat na tanging naghahanapbuhay lamang para sa kanilang mga pamilya na naiwan sa kani-kanilang bansa.
“With the prayers and Holy Masses we implore our almighty God to touch the hearts of those who seized the MSC Aries to release them, for respect and promotion of rights and dignity of all MSC Aries crew, and peace may reign at Straight of Hormuz, with our prayers and solidarity with our seafarers and their families,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Santos.
Ayon sa datos ng Maritime Industry Authority, aabot sa 400-libo ang bilang ng mga Filipino Seafarers sa ibat-ibang bahagi ng mundo.