Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, hinimok na maging tagapagligtas ng Agriculture Sector

SHARE THE TRUTH

 16,369 total views

Hinimok ng Caritas Manila ang mamamayan na palawakin kaalaman sa mga suliraning nararanasan ng sektor ng agrikultura upang mapaigting ang pakikiisa at pagpapaunlad sa napabayaang sektor.

Hamon ito ni Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas sa paggunita sa buwan ng Abril bilang National Filipino Food month.

Ayon sa Pari, bukod sa pagkilala sa kultura at kasaysayan ng pagkaing Pilipino ay mahalagang itaas ng mamamayan ang kamalayan sa kahalagahan ng pagkain at tulungan ang mga manggagawa sa sektor ng agrikultura.

Paanyaya din ni Father Pascual sa mamamayan na sama-samang ipagdasal na mabigyan ng prayoridad ang agri-sector na itinuturing na pinaka-mahirap na sektor sa bansa.

“Ang Philippine Food Month sa buwan ng Abril ay isang napakagandang selebrasyon upang itaas natin ang ating kamalayan sa kahalagahan ng pagkain, una sa lahat ipagdasal po natin ang ating Agri-sector na ito’y mabigyan ng prayoridad ng gobyerno at matulungan natin ang ating mga farmers at fisherfolks na umani ng mas marami at hindi na tayo na mag-iimport ng pagkain, sapagkat agri-sector tayo, dapat mayaman tayo sa mga pagkain ng lupa at ng dagat,” pahayag sa Radio Veritas ni Father Pascual.

Hinimok din ng Pari ang mamamayan na tangkilikin ang mga gulay, prutas at iba pang pagkain na hindi mula sa mga hayop na nagpapagaling at nagpapahaba sa ating buhay.

Ibinahagi ng pinuno ng Caritas Manila na 80-porsiyento ng foodborne diseases ay mula sa karne o pagkain na mula sa hayop.

Pangalawa mahalaga din sa ating pagpapahalaga sa buwang ito na ang pagkain na kumain tayo ng mga pagkaing magpapalakas sa atin, magpapagaling, magpapahaba ng buhay, ay ito po ay ang mga pagkaing walang mukha, tulad ng vegetable, fruits, grains, nut, legumes, at bawasan po natin ang mga pagkain na may mukha, mga hayop yan at yan po ay nagdudulot ng sakit sa atin 80% ng sakit natin ay galing sa pagkain foodborn, kaya’t nawa maging malusog tayo sa isipan, pangangatawan at kaluluwa at kumain tayo ng mga pagkain na magpapagaling, magpapahaba ng buhay, magpapalakas sa atin,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Pascual.

Tema ng Filipino Food month 2024 ay “Kalutong Filipino, Lakas ng Kabataang Makabago”.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 6,634 total views

 6,634 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 14,950 total views

 14,950 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 33,682 total views

 33,682 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 50,192 total views

 50,192 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,456 total views

 51,456 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 2,604 total views

 2,604 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

MUPH at Caritas Manila, lumagda sa kasunduan

 9,961 total views

 9,961 total views Isinulong ng Caritas Manila ‘Kagandahan sa kabila ng Kadiliman’ na adbokasiyang higit na pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap sa pakikipagtulungan sa Miss

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top