Mamamayan, hinimok ng Obispo na basahin ang panitikang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,904 total views

Isinulong ni San Fernando La Union Bishop Daniel Presto ang pamamayani ng kapayapaan sa pamamagitan ng mga panitikan na inilimbag ng mga magagaling na manunulat ng Pilipinas.

Ito ang mensahe ni Bishop Presto, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal

Commission on Catechesis and Catholic Education sa paggunita ngayong Abril bilang Buwan ng Panitikan.
Umaasa ang Obispo na yakapin ng mga kabataan ang pagsusulong ng kapayapaan hindi lamang sa Pilipinas kungdi maging sa buong mundo.

“Kaya nga magbasa po tayong mga kabataan gayundin sa mga katandaan, upang mabalikan natin ang mind ng mga manunulat o panahon na kanilang kinabibilangan, lugar na kinabibilangan. At sa panahon ating balikan ang tema, ang panitikan at ang kapayapaan, ito ay ayon sa ating mga nababasa, isang makahulugang pagtuklas sa mundo ng panitikan para sa kapayapaan at kapayapaan mula sa panitikan, may mga ibat-ibang kwento, tula na mayroon sa mga panitikan na may kinalaman sa kapayapaan,”paalala ni Bishop Presto.

Hinimok ni Bishop Presto ang mga mag-aaral at mamamayang Pilipino na basahin ang panitikang Pilipino upang patuloy na magamit at mailimbag para sa susunod na henerasyon na makilala ang mga manunulat na nakipaglaban para sa kapayapaan o paglaya ng Pilipinas.

Panalangin ng Obispo na sa tulong ng pamahalaan ay maiwaksa ng mga kabataan ang anumang hangarin na magdudulot ng hindi pagkakasundo, kaguluhan at karahasan.

Lalo na para sa kapayapaan sa ating komunidad na ating kinabibilangan, kaya’t ito ay napakahalaga din para sa mga mag-aaral na makita, mabasa at mapagnilayan, ang ibat-ibang panitikan na isinulat ng ating mga ninuno na may mga mensahe sa kahalagahan ng kapayapaan kung saan ay ninanais na iparating ang mensahe sa pamamagitan ng ibat-ibang panitikan,” panalangin ni Bishop Presyo ngayong Buwan ng Panitikan.

Sa bisa ng Proclamations No.968 noong 2015, itinakda ang buwan ng Abril bilang paggunita sa Buwan ng Panitikan

Ngayong taon, tema ng paggunita ‘Ang Pantikan at Kapayapaan’ kung saan layunin ng Komisyon sa Wikang Filipino, National Commission for Culture and the Arts at National Book Development Board – Philippines na mapalalim ang kaalaman ng mga Pilipino at kabataan sa paggamit ng panitikan sa pagsusulong ng kapayapaan.

Sa pandaigdigang pagkilos ng Economy of Francesco Movement, nakiisa ito sa ‘Reading Marathon’ ng iba’t-ibang panitikan na para sa kaligtasan ng mga kababaihan sa Iran at Afghanistan noong nakalipas na taon at pagsusulong ng kapayapaan sa mga lugar na nagpapatuloy ang digmaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 54,537 total views

 54,537 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 50,406 total views

 50,406 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 86,608 total views

 86,608 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 95,083 total views

 95,083 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 119,843 total views

 119,843 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top