Environmental group, sang-ayon na imbestigahan ng Senado ang pagmimina at quarrying sa bansa

SHARE THE TRUTH

 10,760 total views

Nakikiisa ang Alyansa Tigil Mina sa panukala ni Senator Risa Hontiveros na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa epekto ng pagmimina at quarrying sa bansa.

Layunin ng Senate Resolution No. 989, ang paghihikayat sa mga mambabatas sa senado na imbestigahan ang malawakang pinsalang dulot ng pagmimina at quarrying sa kalikasan, maging sa buhay ng mga apektadong pamayanan.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, ang panukala ni Hontiveros ay maituturing na hakbang upang maisaayos ang mga batas kaugnay sa pagmimina at quarrying.

We welcome the proposed Senate Resolution as there are numerous reports involving human rights violations, legal violations and environmental damages brought about by mining and quarrying activities,” pahayag ni Garganera.

Imininungkahi naman ni Garganera ang pagkakaroon ng diyalogo sa pagitan ng mga apektadong pamayanan, Department of Environment and Natural Resources, Department of the Interior and Local Government, at iba pang ahensya ng pamahalaan upang tugunan ang mga alalahanin at matukoy ang saklaw ng mga negatibong epekto ng mga mapaminsalang operasyon sa kalikasan at lipunan.

Umaasa rin ang ATM na maisabatas ang alternative minerals management bill upang maisaayos ang pagmimina at paggamit ng mineral sa bansa.

We hope that an investigation into the effects of these operations would eventually dissuade the national government from aggressively pursuing mining… There is an urgent need to repeal Republic Act No. 7942 or the Mining Act of the Philippines and replace it with a law that is responsive to the needs and concerns of the affected communities,” ayon kay Garganera.

Batay sa huling tala ng DENR-Mines and Geosciences Bureau, nasa 50 minahan ang kasalukuyang nagsasagawa ng operasyon, at nakakalikha ng higit 102 bilyong pisong ambag sa gross domestic product ng bansa.

Gayunman, una nang sinabi ng ATM na ito’y isang porsyento lamang ang ambag sa ekonomiya ng bansa at labis ang pinsala sa kalikasan at buhay ng mamamayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BICAM OPEN TO PUBLIC

 5,723 total views

 5,723 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 24,696 total views

 24,695 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 57,361 total views

 57,360 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 62,471 total views

 62,470 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 104,543 total views

 104,542 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top