Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Father Evan Villanueva, muling nahalal na Provincial Superior of the Camillian Philippine Province

SHARE THE TRUTH

 38,526 total views

Nagpaabot ng pagbati ang Camillian Philippine Province kay Fr. Evan Paul Villanueva, MI sa muling pagkakahalal bilang Provincial Superior ng Order of the Ministers of the Infirm Philippines sa susunod na tatlong taon.

Kasunod ito ng opisyal na liham mula kay Camillian Superior General Fr. Pedro Celso Tramontin, na muling nagtalaga kay Fr. Villanueva upang pamunuan ang mga paring Kamilyano sa bansa sa mula 2025 hanggang 2028.

“We joyfully congratulate Fr. Evan Paul A. Villanueva, MI on his re-election as Provincial Superior of the Camillian Philippine Province for the next triennium (2025–2028). May God continue to bless your ministry with wisdom, compassion, and strength as you lead the Province forward in faith and service,” paghayag ng Camillians Philippines.

Sa liham, hinikayat ni Fr. Tramontin si Fr. Villanueva na patuloy na isabuhay ang diwa ng pag-ibig at paglilingkod, sa inspirasyon at gabay ng tagapagtatag ng kongregasyon na si San Camilo de Lellis.

Binigyang-diin din ng Superior General ang kahalagahan ng pagkakapatiran at pananagutan upang higit pang mapalalim ang misyon ng pag-aalay ng sarili sa paglilingkod sa mga may karamdaman, sa pamamagitan ng pagsunod sa Panginoong Hesukristo.

“Comforted by the grace of God, may you promote in the spirit of love and service, the unity and responsibility of your brothers in the provincial community, so that, everyone will consecrate themselves with joy to the service of the sick by following Christ,” ayon kay Fr. Tramontin.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Fr. Villanueva ang humigit-kumulang 130 Kamilyanong pari at relihiyoso na nagmimisyon sa Pilipinas, Taiwan, Indonesia, at Australia.

Noong Marso ng kasalukuyang taon, ipinagdiwang ng Camillian Philippine Province ang ika-50 anibersaryo ng pagmimisyon sa Pilipinas sa temang “Puso sa Misyon: Limang Dekadang Pasasalamat, Pagninilay, at Pagtugon sa Misyon ng Diyos.”

Unang dumating sa Pilipinas ang mga Kamilyano noong 1974, sinimulan ang lokal na bokasyon at pagtatatag ng religious houses noong March 8, 1975, at ganap na naitatag ang Camillian Philippine Province noong July 1, 2003.
Si San Camilo de Lellis ang nagtatag ng Ministers of the Sick, na kalauna’y kinilala bilang Ministers of the Infirm o Camillians, na ang tungkuli’y maglingkod sa mga maysakit at higit na ilapit ang kagalingang hatid ng Panginoong Hesukristo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 92 total views

 92 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 16,181 total views

 16,181 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 54,020 total views

 54,020 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 64,971 total views

 64,971 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 11,275 total views

 11,275 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 11,276 total views

 11,276 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top