Bishop Santos, itinuring na biyaya ang pagdalaw ng WYD symbols sa Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,524 total reads

Malugod na tinanggap ng Diocese of Antipolo ang World Youth Day symbols na kasalukuyang nasa pilgrimage sa National Capital Region.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos, ang pagdalaw ng WYD Pilgrim Cross at imahe ng Salus Populi Romani ay isang biyaya para sa diyosesis at nagpapaigting sa diwa ng pagiging perigrino sa mundo at pananampalataya ng mamamayan.

Binigyang diin ng obispo na ang WYD symbols ay paalala sa bawat isa lalo na sa kabataan na maging tagapaghatid ng Mabuting Balita sa pamayanan. “This grace-filled moment is not only a blessing upon our local Church but a profound reminder of the global unity we share as one Catholic family…They come to us as heralds of encounter, mission, and courage, carrying the heartbeat of millions of young people from every corner of the world who seek deeper communion with Christ and His Church,” pahayag ni Bishop Santos.

Kasalukuyang nasa NCR dioceses ang WYD symbols sa huling bahagi ng pilgrimage nito sa Pilipinas kung saan nitong June 20 ay dumalaw ito sa Diocese of Antipolo. Umaasa si Bishop Santos na ang pagdalaw ng mga tanda ng World Youth Day ay magbubunga ng higit na pagninilay ng mga kabataan sa kanilang bokasyon sa pamayanan. “May this sacred pilgrimage through the National Capital Region and into our beloved diocese ignite the hearts of our youth, awaken new vocations, heal weary souls, and renew our mission to be true disciples of Christ in today’s world,” ani Bishop Santos.

Hinimok ng opisyal ang mga kabataan ng diyosesis na ipagpatuloy ang pagbubuklod tungo sa paglalakbay ng buhay at pagganap sa misyon tungo sa landas ni Hesus. Tiniyak din ni Bishop Santos ang pakikilakbay sa kristiyanong pamayanan ng South Korea para sa World Youth Day sa 2027 kung saan ang WYD symbols pilgrimage ay bahagi ng kanilang paghahanda at paanyaya sa mga karatig bansa sa Asya na makiisa at makilahok sa pandaigdigdang pagtitipon ng mga kabataan sa susunod na dalawang taon. Tema ng WYD 2027 ang “Take courage! I have overcome the world” na hango sa ebanghelyo ni San Juan kabanata 16 talata 33.

Una nang humiling ng pakikiisa ang National Capital Region Youth Coordinating Council sa huling bahagi ng WYD Symbols pilgrimage sa bansa bago dadalhin ng mga kinatawan ng Archdiocese of Seoul sa Taiwan.(norman)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 125,237 total reads

 125,237 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 200,585 total reads

 200,585 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 234,034 total reads

 234,034 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 269,332 total reads

 269,332 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 490,961 total reads

 490,961 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top