Pagtatayo ng GAAV ng perimeter fence sa lupang ninuno ng Kirinteken-Ilentungen Menuvu tribe, ikinababahala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,055 total reads

Nagpahayag ng pagkabahala ang Legal Rights and Natural Resources Center matapos simulan ng Green Arrow Agriventures, Inc. (GAAVI), subsidiary ng Kennemer Foods International, ang pagtatayo ng perimeter fence sa loob ng lupaing ninuno ng tribung Kirinteken-Ilentungen Menuvu sa Don Carlos, Bukidnon.

Ayon sa grupo, noong May 15, 2026, nagsimulang maghukay ng mga poste ang mga tauhan ng kumpanya, kabilang ang mga armadong guwardiya, sa loob ng 195-ektaryang banana plantation na sinasabing sumasaklaw sa ancestral domain ng tribu.

“The tribe will soon have no way in and out of their village because of the barriers,” pahayag ng LRC.

Ang nasabing lupain ay kasalukuyang saklaw ng Agrarian Law Implementation (ALI) case dahil sa pagsasalungatan ng mga titulong inilalakad sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project at ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) ng tribu.

Ibinahagi ng LRC na noong April 27, 2026, nagsagawa ng dayalogo ang Serukadang Manobo Tribal Organization (SMTO), kasama ang Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Environment and Natural Resources (DENR), National Commission on Indigenous Peoples, at World Bank, kung saan pansamantalang isinuspinde ang implementasyon ng proyekto.

Gayunman, iginiit ng GAAVI-Kennemer na wala pa itong natatanggap na opisyal na memorandum mula sa DAR kaya nananatili ang kanilang operasyon sa lugar.

Binigyang-diin ng LRC na ang pagtatayo ng bakod ay maaaring lalo pang maglimita sa access ng tribu sa kanilang mga sakahan, sagradong lugar, at natitirang bahagi ng kanilang lupaing ninuno.

“The project has also been criticized for encouraging indebtedness, where struggling farmer-beneficiaries can more easily sell their individual land parcels, ultimately reversing agrarian reform and exacerbating landlessness,” ayon sa LRC.

Nakasaad sa Laudato Si’ na ang pagtatanggol sa mga katutubo at sa kalikasan ay bahagi ng paggalang sa dignidad ng tao at pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 44,807 total reads

 44,807 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 89,359 total reads

 89,359 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 209,938 total reads

 209,938 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 260,295 total reads

 260,295 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 385,957 total reads

 385,957 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 233,556 total reads

 233,556 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top