DSAN, magsasagawa ng communal at personal prayer para gabayan ng espiritu Santo ang mga Senador at impeachment prosecutors

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,509 total views

Naglabas ng mga mungkahing gawain ang Diocesan Social Action Network ng mga kasaping arkidiyosesis at diyosesis ng People’s Power Movement at Bayanihan Alay sa Kapwa ng Caritas Philippines bilang suporta sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kaugnay sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Kabilang sa mga mungkahing aktibidad ang pagsasagawa ng communal at personal prayer para sa paggabay ng Espiritu Santo sa mga senador, prosecutors, at defense lawyers upang makakita nang malinaw ang mga ebidensya, pumili nang mabuti, at kumilos nang tama para sa pagsusulong ng rule of law at common good sa paghahanap ng katotohanan at katarungan.
“Asking for the guidance of the Holy Spirit upon our Senators, the teams of prosecutors and defense lawyers that they may “see clearly, choose well, and actright” to“adhere tothe ruleof lawandserve the common goodin thepursuit of justice and truth.” Ang bahagi ng pahayag ng grupo.

Hinikayat din ng grupo ang pananalangin para sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga miyembro ng Kongreso, at iba pang opisyal ng pamahalaan upang pairalin ang tapat at makataong pamumuno na magtataguyod ng transparency, accountability, at paglilingkod lalo na sa mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.

“Praying for the President, Vice President, members of Congress, and all elected and appointed public officials that through this process they may exercise authentic and ethical servant leadership that will promote transparency and accountability and that will result in genuine service to the Filipino people, especially the poor, marginalized, and voiceless of our society.” Dagdag pa ng grupo.

Kaugnay nito, iminungkahi rin ng grupo ang sama-samang pagdarasal tuwing alas-dose ng tanghali at alas-sais ng gabi bilang simbolo ng pagkakaisa sa panalangin at pagkilos.

Bahagi rin ng mungkahi ang pagpapatunog ng kampana sa mga simbahan, tahanan, at komunidad bilang hudyat ng pananalangin, gayundin ang pagsisindi ng kandila tuwing alas-sais ng gabi bilang paalala na maging “children of light” ang bawat isa.
“Praying for all of us Filipinos that we may learn and commit to exercise our civic duties and responsibilities and work together for the common good, setting aside partisan political affiliations as we serve the poor, marginalized, and voiceless of our society.” Ayon pa sa grupo.

Pinayuhan din ng grupo ang mga komunidad na magtatag ng mga information hubs na magbibigay lamang ng “credible, fact-checked, and responsible sourced information” hinggil sa impeachment trial kasama ang balanseng pagsusuri mula sa mga kinikilalang eksperto sa batas.

Hinimok din ng grupo ang pagkakaroon ng mahinahon at mapanuring talakayan sa nagaganap na paglilitis, gayundin ang pagpapahayag ng magalang at makabuluhang feedback sa mga senador at mga kasapi ng prosecution at defense teams.
Ayon sa grupo, layunin ng mga gawain na mapalawak ang pagkakaisa ng mamamayan sa panalangin at pagkilos para sa kabutihang panlahat, katotohanan, at katarungan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lason sa utak ng kabataan

 25,922 total views

 25,922 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 52,573 total views

 52,573 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 147,631 total views

 147,631 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 169,186 total views

 169,186 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 182,479 total views

 182,479 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top