Open-pit mining ng Golden River sa Paracale,Camarines Norte, tinututulan ng UMALPAS KA-Bicol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,724 total reads

Mariing tinutulan ng Ugnayan ng Mamamayan Laban sa Pagmimina at Kumbersyong Agraryo (UMALPAS KA – Bicol) ang planong open-pit mining ng Golden River Mining Corporation sa mga barangay ng Tugos, Tawig, at Casalugan sa Paracale, Camarines Norte.

Ayon sa grupo, hindi ito tunay na kaunlaran kundi isang mapaminsalang operasyon na magdudulot ng malawakang pinsala sa kalikasan, kabuhayan, at komunidad.

“Hindi ito maituturing na tunay na kaunlaran para sa mamamayan, kundi isang malawakang operasyon na sisira ng kalikasan, pangangamkan ng lupa, pag-agaw sa kabuhayan, pandarambong ng natural at mineral resources at paglugmok sa kahirapan ng mga mamamayang apektado at komunidad na matagal nang nakikipaglaban para sa kanilang lupa, karagatan, at kinabukasan,” pahayag ng UMALPAS KA-Bicol.

Target hukayin ng proyekto ang mahigit 321 ektaryang lupain at mag-extract ng tinatayang 780,000 metriko tonelada ng ore kada taon sa loob ng pitong taon.

Babala ng grupo, ang open-pit mining ay magreresulta sa pagkasira ng kabundukan, watershed, at sakahan na kritikal sa suplay ng tubig at kabuhayan ng mga residente.

Iginiit din ng UMALPAS KA – Bicol na mas lalala ang panganib ng pagbaha, landslide, at mga sakit dulot ng polusyon at kontaminasyon ng kapaligiran sa gitna ng krisis sa klima.

“Sa panahon ng lumalalang climate crisis, lalong mapanganib ang malawakang pagkakalbo ng lupa at kabundukan dahil pinapataas nito ang posibilidad ng pagbaha at landslide tuwing may malalakas na pag-ulan at bagyo,” ayon sa grupo.

Nananawagan ang grupo sa lokal at pamahalaang panlalawigan na tuluyang isantabi ang proyekto at itaguyod ang pangangalaga ng kalikasan at karapatan ng mamamayan.

Iginiit pa ng UMALPAS KA-Bicol, ang tunay na kaunlaran ay nakasalalay sa pangangalaga sa likas na yaman at hindi sa mapaminsalang pagmimina para sa tubo ng iilan.

“Pakinggan ang tinig ng mamamayan ng Paracale at buong Camarines Norte. Ang lupa, tubig, kagubatan, at likas na yaman ay hindi simpleng negosyo lamang. Ito ay buhay, kabuhayan, at kinabukasan ng sambayanan,” giit ng grupo.

Nauna nang nagpahayag ng paninindigan si Daet Bishop Herman Abcede, at binigyang-diin na hindi maaaring manahimik o manatiling walang paninindigan ang Simbahan at ang mamamayan sa gitna ng seryosong banta sa kapaligiran at buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 53,046 total reads

 53,046 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 149,670 total reads

 149,670 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 193,939 total reads

 193,939 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 217,048 total reads

 217,048 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 289,796 total reads

 289,796 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 145,842 total reads

 145,842 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top