Isabuhay ang katotohanan at panalangin,paalala ng pangulo ng Radyo Veritas sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,873 total reads

Pinaalalahanan ni Radyo Veritas President, Fr. Roy Bellen, ang mananampalataya sa kahalagahan ng pagsasabuhay ng katotohanan na may kalakip na panalangin.

Ito ang mensahe ng pari sa nalalapit na pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Veritas sa May 16.

Ayon kay Fr. Bellen, ang pagdiriwang ay paalala sa misyon ng Simbahan na ipahayag ang Mabuting Balita kasama ang paggabay ng Mahal na Birheng Maria tungo sa landas ng katotohanan sa kanyang Anak na si Hesukristo.

“Ito po’y paalala po sa atin na kasama ang Mahal na Ina sa misyon po na magpahayag ng mabuting balita,” ayon kay Fr. Bellen.

Ipinaliwanag ng pari na mahalaga ang sama-samang pagkilos upang maprotektahan at maipalaganap ang katotohanan lalo na sa gitna ng iba’t ibang hamon sa lipunan, ngunit iginiit ng pari na dapat kaakibat nito ang pananalangin.

“Totoo po, tayong mga Pilipino, tayong mga tao, kailangan pong kumilos para ang katotohanan maprotektahan at maipahayag, pero hindi ito maaaring maihiwalay sa panalangin,” ani ni Fr. Bellen.

Binigyang-diin din nito na hindi sapat ang pagkilos lamang kung wala ang paggabay at biyaya ng Diyos.

Kaugnay ng pagdiriwang, dadalhin ang imahe ng Our Lady of Veritas sa National Shrine of Mary Queen of Peace o EDSA Shrine bilang paggunita rin sa makasaysayang papel ng Radio Veritas noong People Power Revolution.

Umaasa naman ang pari na magsilbing inspirasyon ang kapistahan upang higit na mapatatag ang paninindigan ng mamamayan para sa katotohanan at pananampalataya.

“Nawa ang pagdiriwang na ito ay magpaalala ng kahalagahan po ng ating pakikipaglaban para po sa katotohanan, pero palaging may kasamang panalangin at basbas ng ating Panginoon,” saad ni Fr. Bellen.

Pangungunahan ni Fr. Bellen ang fiesta mass ng Our Lady of Veritas sa alas 12 ng tanghali sa EDSA Shrine na mapakikinggan sa himpilan, mapapanood sa lahat ng digital streaming platforms at sa Veritas TV sa Sky Cable 211 at Veritas TV Cebu 47.1.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 54,335 total reads

 54,335 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 150,871 total reads

 150,871 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 195,140 total reads

 195,140 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 218,249 total reads

 218,249 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 290,954 total reads

 290,954 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top