Kudeta sa Senado, tinawag ni Archbishop Villegas na “shameless exercise of political power

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,372 total reads

Naglabas ng pastoral letter si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas para sa pagdiriwang ng Ascension Sunday ngayong Mayo 17, 2026 na may titulong “Sad and Angry But Brave and Hopeful,” na itinakdang basahin bilang homiliya sa lahat ng misa sa Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan sa nasabing araw.

Sa kanyang liham pastoral, nagpahayag si Archbishop Villegas ng matinding pagkadismaya at pagkabahala sa lumalalang korapsyon, pagkawala ng moralidad sa pamahalaan, at paggamit ng kapangyarihang pampulitika para sa pansariling interes.

“We mourn the worsening problem of corruption of people’s money. We keep hoping to get out of the quicksand of corruption, but we just keep getting deeper into the pit,” Bahagi ng mensahe ni Archbishop Villegas.

Tinukoy rin ni Archbishop Villegas ang tinagurian nitong “shameless exercise of political power” kasunod ng mga naganap na kaguluhan at tensyon sa Senado kaugnay ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

“It is confusing. It is unbelievable. It is pathetic. It is disgusting. It is shameless. How did we reach this low level of public service?” Dagdag pa ni Archbishop Villegas.

Kasabay nito, hinamon naman ni Archbishop Villegas ang mamamayan na kilalanin ang kanilang pananagutan sa pagpili ng mga pinunong inihahalal sa pamahalaan.

“Our hands are bloodstained because our hands voted for such corrupt criminals into office. We are not innocent,” Ayon pa kay Archbishop Villegas.

Hinimok din ng Arsobispo ang mga mananampalataya na gamitin ang kanilang mga “kamay” sa panalangin, protesta, at pagsusulong ng legal na paraan upang maisulong ang pagbabago sa lipunan.

“Use your hands to PROTEST. In today’s rampant deceit and abuse of power, neutrality has become a mask for cowardice,” Panawagan ni Archbishop Villegas.

Binigyang-diin din ng Arsobispo ang kahalagahan ng pagiging mapanuri ng mga botante at ang paggamit ng karapatang bumoto upang papanagutin ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

“Reject the corrupt in the next elections. Review and evaluate their records of public service. Your vote is your power,” Paalala ng Arsobispo.

Samantala muli ring nanawagan si Archbishop Villegas ng pagkakaisa at paninindigan ng sambayanang Pilipino para sa katotohanan at kabutihang panlahat.

Giit ng Arsobispo, hindi dapat manaig at maging hadlang ang pagkakaiba ng papanaw o posisyong pampulitika ng bawat isa sa pagiging isang mabuti at responsableng kasapi ng lipunan na naninindigan para sa kabutihan at tunay na pag-unlad ng sambayanan.

“Walang DDS or pinklawan. Walang Ilocano o Bisaya. Lahat tayo para lamang sa Diyos at sa bayan,” Ayon kay Archbishop Villegas.

Screenshot

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 12,434 total reads

 12,434 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 93,676 total reads

 93,676 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 187,901 total reads

 187,901 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 248,391 total reads

 248,391 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 261,672 total reads

 261,672 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 17,730 total reads

 17,730 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top