Gamitin ang modern technology sa katotohanan at paggalang sa dignidad ng tao, Cardinal Advincula sa media practitioners

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,222 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mamamahayag, content creators, at media practitioners na gamitin ang makabagong teknolohiya bilang kasangkapan sa katotohanan, paggalang sa dignidad ng tao, at
pagpapalaganap ng pag-asa sa gitna ng lumalawak na impluwensya ng digital communication sa lipunan.

Ito ang mensahe ng cardinal kasabay ng paggunita ng Simbahan sa ika-60 World Day of Social Communications kung saan nakikiisa ito sa panawagan ni Pope Leo XIV para sa makatao at makabuluhang komunikasyon.

Ayon kay Cardinal Advincula, malaki ang epekto ng teknolohiya sa paghubog ng pampublikong diskurso, ugnayan ng mamamayan, at maging sa pagpapahalaga ng kabataan, kaya’t mahalagang gamitin ito upang mapalalim ang pagkakaisa
at pag-asa.

“In our Philippine context, where the use of modern technology greatly shapes public discourse, relationships, and even the values of our young people, we are reminded of the urgent responsibility to use communication as a bridge toward
understanding, solidarity, and hope,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radyo Veritas.

Hinimok ng arsobispo ang mga Catholic media practitioners at church media ministers na maging huwaran sa responsable at etikal na paggamit ng teknolohiya.

“Church media ministers and Catholic media practitioners are called in a special way to give witness and example in the wise, ethical, and creative use of these technologies, placing them always at the service of truth, human dignity, and the
common good,” ayon sa kardinal.

Binigyang-diin din ni Cardinal Advincula na mahalagang maging daluyan ng katotohanan, malasakit, at pag-asa ang media lalo na sa gitna ng paglaganap ng misinformation at online hostility.

“Now, more than ever, we are called to harness the gift of communication by offering the gift of our genuine human presence, marked by closeness, empathy, and a sincere concern for one another. Amid the noise of misinformation, online
hostility, and indifference to the poor and vulnerable, may we become communicators who listen with the heart and speak with charity,” giit ni Cardinal Advincula.

Hinimok rin ng kardinal ang mga mamamahayag at digital communicators na gawing daluyan ng katotohanan at Mabuting Balita ang kanilang mga plataporma.

“Let our platforms become spaces where truth is defended, human dignity is respected, and the Gospel is proclaimed with humility, sincerity and courage,” saad ni Cardinal Advincula.

Ang World Day of Social Communications ay itinatag ni Pope Paul VI matapos ang Second Vatican Council bilang pagkilala ng Simbahan sa mahalagang papel ng media at komunikasyon sa pagpapalaganap ng katotohanan at Ebanghelyo.

Unang ipinagdiwang ang okasyon noong 1967 at karaniwang ginugunita tuwing Linggo bago ang Pentecost Sunday.

Muling ipinagkatiwala ni Cardinal Advincula sa Mahal na Birheng Maria ang lahat ng mga tagapaghatid ng balita at mensahe upang manaig ang katotohanan, kababaang-loob, at malasakit sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 55,180 total reads

 55,180 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 151,641 total reads

 151,641 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 195,910 total reads

 195,910 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 219,019 total reads

 219,019 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 291,688 total reads

 291,688 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top