ATM,nakikiisa sa barikada ng mga residente ng Nueva Vizcaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,621 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa nagpapatuloy na barikada ng mga residente ng Kasibu, Nueva Vizcaya laban sa iligal na pagmimina at exploration activities ng North Luzon Mineral Resources (NLMR) na sumasaklaw sa mahigit 4,456 ektarya sa hindi bababa sa anim na barangay.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, mariin nilang sinusuportahan ang mga kasapi ng Kasibu Intertribal Response for Ecological Development (KIRED) at iba pang mamamayan na patuloy na nagbabantay sa kanilang komunidad upang tutulan ang pagmimina na isinulong nang walang malinaw na pahintulot mula sa mga apektadong residente at katutubong pamayanan.

“Just like the case in Dupax del Norte, Kasibu residents have not given their consent to these mining exploration activities. No public consultations were conducted, and yet NLMR was granted an Exploration Permit,” pahayag ni Garganera.

Kinuwestiyon din ni Garganera ang Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) dahil sa pag-apruba sa permit ng kumpanya kahit hindi pa natutugunan ang mga kinakailangang konsultasyon at pagkuha ng pahintulot mula sa mga komunidad.

Iginiit ng ATM na malinaw itong paglabag sa environmental at regulatory guidelines ng DENR, at binigyang-diin na nawawalan ng saysay ang mga patakaran nito kung mismong kagawaran ang unang hindi sumusunod sa mga ito.

Sa ilalim ng DENR Administrative Order No. 2025-17, dapat munang makumpleto ang mga kinakailangang konsultasyon sa komunidad, makakuha ng pag-endorso mula sa kinauukulang sanggunian, at makakuha ng katibayan mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) bilang patunay ng malaya at paunang pahintulot ng mga katutubong pamayanan bago maaprubahan ang anumang permit.

“The DENR-MGB must be held accountable for the anomalous approval of NLMR’s Exploration Permit. Furthermore, the illegal exploration activities of the mining company must immediately stop, and their permit must be absolutely cancelled,” ayon sa ATM.

Binigyang-diin pa ni Garganera na dapat papanagutin ang mga opisyal na nag-apruba sa maanomalyang permit ng NLMR at agarang ipatigil ang exploration activities ng kumpanya.

Dagdag pa niya, huli nang nalaman ng mga residente ang permit ng kumpanya dahil nagsimula na ang operasyon bago pa man magkaroon ng sapat na impormasyon sa publiko.

“The DENR-MGB is making its regulations pointless and its own guidelines useless. Those responsible for either ignoring, circumventing, or violating these administrative orders must be held accountable, and their decisions nullified,” giit ni Garganera.

Nauna nang nagpahayag ng pakikiisa si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao sa mga residente ng Kasibu at muling pinagtibay ang kanyang pagtutol sa mga mapaminsalang operasyon ng pagmimina sa Nueva Vizcaya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 53,070 total reads

 53,070 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 149,689 total reads

 149,689 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 193,958 total reads

 193,958 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 217,067 total reads

 217,067 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 289,814 total reads

 289,814 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 145,847 total reads

 145,847 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top