Yakapin at isabuhay ang mensahe ng Our Lady of Fatima

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,698 total views

Magbalik loob sa Panginoon sa pamamagitan ng paggabay ng Mahal na Birheng Maria at paghariin ang kapayapaan sa puso ng bawat isa.

Ito ang mensahe nina Archdiocese of Caceres Archbishop Emeritus Rolando Tria Tirona at National Shrine of Our Lady of Fatima sa Diocese of Malolos Parochial Vicar Father Jan Brian Samson sa pagdiriwang ngayong araw ng ika-109 pagpapakita ng Mahal na Birheng Maria sa Fatima, Portugal.

Ayon kay Archbishop Tirona, mahalagang gunitain ng mga mananampalataya ang mensahe ng Mahal na Birhen ng Fatima na manalangin, magbalik-loob sa Panginoon at mamuhay nang may sakripisyo bunga ng pagmamahal sa Diyos at kapwa.

Hinimok rin ng Arsobispo ang mamamayan na ipanalangin ang paghahari ng kapayapaan, katarungan at integridad ng mga namumuno sa gitna ng kaguluhan at kadiliman sa mundo habang binigyang-diin ang kahalagahan ng pagdarasal ng Banal na Rosaryo.

“Sa kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima, muli nating gunitain ang kanyang pagpapakita 109 years ago na may mensaheng manalangin tayo, magbalik-loob sa Panginoon, at mamuhay nang puno ng sakripisyo bunga ng pagmamahal natin sa Diyos at sa kapwa. Sa ating panahon ng kaguluhan, kadiliman, hilingin natin sa Mahal na Birhen na tulungan tayong maghari ang kapayapaan ang katarungan, at higit sa lahat, integridad ng ating mga namumuno. Kaya lumapit tayo sa Mahal na Birhen, magdasal tayo ng Rosaryo, sapagkat sa pamamagitan ng Banal na Rosaryo, ginugunita natin ang kasaysayan ng ating kaligtasan. Viva la Birhen, mabuhay Our Lady of Fatima. God bless you all,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Archbishop Tirona.

Ipinaalala ni Fr. Samson na mahalagang yakapin at isabuhay ng mga mananampalataya ang mensahe ng Mahal na Birhen ng pagbabalik-loob, pagsasakripisyo, mataimtim na panalangin at pagtitiwala sa Panginoong Hesus Kristo.

Sinabi ng pari na ang panawagan ng Mahal na Birhen ng Fatima noon ay nananatiling mahalaga hanggang sa kasalukuyan lalo na ang pananalangin para sa kapayapaan sa pamamagitan ng pagdarasal ng Rosaryo at pagninilay sa misteryo ng buhay ni Hesus.

“Atin pong yakapin at isabuhay ang mensahe ng Mahal na Birhen ng pagbabalik-loob, pagsasakripisyo at mataimtim na panalangin at pagtitiwala sa ating Panginoong Hesus Cristo. Happy Fiesta po sa inyong lahat. Kagaya po noong 109 years ago na mensahe ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan, ito rin po ang panawagan ng Mahal na Birhen at ng Panginoon sa atin, ang manalangin para po sa kapayapaan. Specifically, ang ibinigay ng Mahal na Birhen sa atin, lalo doon sa tatlong bata sa Fatima, ay pagdarasal ng Rosaryo. Sana mapagnilayan natin sa pagdarasal ng Rosaryo,ang misteryo ng Panginoong Hesus Cristo at ang Kanyang panawagan para sa kapayapaan.”

Sa huli, umaasa ang mga Pastol ng simbahan na magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima upang higit na mapalalim ng bawat mananampalataya ang pananampalataya at pagmamahal sa Diyos at kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 23,658 total views

 23,658 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 53,881 total views

 53,881 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 80,532 total views

 80,532 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 175,505 total views

 175,505 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 195,156 total views

 195,156 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top