Mga pinuno ng bansa, ipinagdarasal ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,293 total reads

Nagpaabot ng panalangin si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula para sa pagkakaisa, kapayapaan, at paggabay sa mga pinuno ng bansa sa gitna ng umiiral na tensyon at pagkakahati-hati sa lipunan.

Dalangin ng kardinal na manaig ang katotohanan, paggalang sa batas, at malasakit sa sambayanan sa gitna ng umiinit na mga usaping pampulitika at panlipunan sa bansa.

“Liwanagan mo ang isip at puso ng aming mga pinuno, upang manaig ang katotohanan, paggalang sa batas, at tunay na malasakit sa sambayanan,” bahagi ng panalangin ni Cardinal Advincula.

Hinimok din ng arsobispo ang sambayanang Pilipino na pairalin ang pag-unawa, pagkakaisa, at pagsusulong ng kabutihang panlahat kaysa galit at paghihiganti.

“Huwag mong hayaang manaig ang galit sa pag-unawa, ang paghihiganti sa pagkakaisa o ang pagkakampihan sa pagsusulong ng tama, makatwiran at ikabubuti ng lahat,” ayon pa sa arsobispo.

Dalangin din ni Cardinal Advincula ang paghilom ng bansa mula sa pagkakawatak-watak at hinimok ang mamamayan na maging mga instrumento ng kapayapaan, katarungan, at pag-asa para sa kapwa.

“Hilumin mo ang aming bansa mula sa poot at pagkakawatak-watak,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Itinataas din ng kardinal sa pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria bilang Ina ng Bayan at Reyna ng Kapayapaan ang buong bansa upang akayin ang sambayanang Pilipino tungo sa pagkakaisa at pagkakasundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 49,236 total reads

 49,236 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 86,509 total reads

 86,509 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 121,808 total reads

 121,808 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 348,078 total reads

 348,078 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 238,639 total reads

 238,639 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top