Lumalawak na banta sa komunidad ng tampakan mining, pinangangambahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,856 total reads

Nagpahayag ng pangamba ang mga siyentipiko, civil society groups, at mga apektadong komunidad hinggil sa lumalawak na banta sa kapaligiran ng kontrobersyal na Tampakan Copper-Gold Project ng Sagittarius Mines Inc. sa mga lalawigan ng South Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, at Davao del Sur.

Sa ginanap na Tampakan Water Forum noong May 13, 2026, iginiit ni Leon Dulce, Campaigns Support and Linkages Coordinator ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC), na nagpapatuloy ang mga operasyon sa lugar sa kabila ng kakulangan ng public consultations at limitadong access sa Environmental Impact Assessments.

“We therefore sought independent scientific studies to assess what is at stake if the Tampakan mine proceeds without addressing outstanding ecological concerns,” pahayag ni Dulce.

Ipinresenta ng mga mananaliksik mula sa Ateneo de Davao University, University of Southern Mindanao, Ateneo de Manila University, at University of the Philippines ang mga pag-aaral na nagpapakita ng malawakang pagkawala ng kagubatan at mataas na antas ng kahinaan sa pagbabago ng klima sa mga apektadong watershed.

Ayon naman kay Frances Jan Marie Manlagaylay, Tropical Risk Management and Research Team Representative ng TropICS, umabot sa 3,306 ektaryang net forest loss mula 2000 hanggang 2020 sa limang watershed na konektado sa mining site, kung saan 90% ng mga ito ay may mataas na panganib sa tagtuyot sa agrikultura.

Dagdag pa ni Manlagaylay, ang Mal Basin, kung saan matatagpuan ang malaking bahagi ng imprastraktura ng proyekto, ay nakararanas ng matinding pagkaubos ng kagubatan at mataas na pagkakalantad sa baha, tagtuyot, at panganib ng pagguho ng lupa, habang ang mismong lawak ng pagmimina ay nasa mga lugar na mapanganib sa pagbaha at pagguho ng lupa.

“The mine site itself overlaps directly with flood- and landslide-prone areas. If operations proceed, the Tampakan mining footprint is expected to exacerbate forest loss and intensify climate-related risks,” ayon kay Manlagaylay.

Binanggit naman ni Dulce na patuloy ding hinaharang ang full public disclosure ng mga dokumento ng proyekto, kabilang ang Environmental Impact Statement, na humantong sa kasong isinampa sa Korte Suprema matapos ang magkasanib na hakbang ng mga grupo at Diyosesis ng Marbel.

“Watersheds don’t recognize project or political boundaries… once impacts occur, they affect water security, food systems, biodiversity, and livelihoods far beyond the direct impact area,” babala ni Dulce.

Patuloy na naninindigan ang Diyosesis ng Marbel, sa pangunguna ni Bishop Cerilo “Alan” Casicas, laban sa mapaminsalang pagmimina na banta hindi lamang sa kalikasan, kundi sa kaligtasan at kabuhayan ng mga residente.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 24,222 total reads

 24,222 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 172,397 total reads

 172,397 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 207,073 total reads

 207,073 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 223,234 total reads

 223,234 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 259,719 total reads

 259,719 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 268,001 total reads

 268,001 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 90,795 total reads

 90,795 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top