Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,459 total reads

Ascension of the Lord Cycle A

World Communications Sunday

Acts 1:1-11 Eph 1:17-23 Mt 28, 16-20
Umakyat na si Jesus sa langit. Iniwan na niya tayo. Iyan ang akala ng marami ngayon at maaaring iyan din ang akala ng mga alagad noong nakatingala sila na sinusundan ng kanilang mga mata ang pag-akyat ni Jesus sa langit. Bye…bye. Wala na siya. Nandoon na siya sa Ama. Hindi ito ang tamang pag-intindi ng pag-akyat ni Jesus sa langit. Ito ang huling salita ni Jesus sa ebanghelyo ni Mateo na ating narinig: “Tandaan ninyo: Ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.” Kaya hindi tayo iniwan ni Jesus. Nagbago lang ang paraan ng kanyang presensiya sa atin.
Sinasabi natin sa ating creed: “Sumasampalataya ako na si Jesus ay umakyat sa langit at naluluklok sa kanan ng Ama.” Ano ang ginagawa niya sa kanan ng Ama? Doon siya patuloy na namamagitan para sa atin. At makakaasa tayo sa kanyang pamamagitan kasi alam niya ang ating kalagayan. Dala niya ang ating pagkatao sa harap ng Ama, kaya makakaasa tayo na hindi nawala, bagkus mas lalo pa ngang lumalim ang kanyang pagmamalasakit sa atin. Ang mga nasa langit ay hindi hiwalay sa atin. Patuloy ang kanilang pagtulong sa atin. Sinabi ni Sta. Teresita na sa langit mas magiging busy pa siya sa pagdarasal para sa atin, mas marami pa siyang matutulungan mula doon kaysa nandito siya sa lupa. Lalo na si Jesus! Hindi na lang ang mga taga-Galilea o taga-Jerusalem ang maaabot niya. Maaabot na niya ang lahat ng tao sa buong mundo at sa lahat ng panahon kasi nasa langit na siya. Kaya hindi tayo hiniwalayan ni Jesus kasi nandoon na siya sa kanan ng Ama.

Oo, ipinagdarasal niya tayo. Kaya itaas natin ang ating mga pangangailangan sa kanya. Kaya ang lahat ng dasal natin sa Ama ay hinihiling natin “sa pamamagitan ni Jesus.” Pero lalung-lalo nang ipinagdarasal niya tayo na magawa natin ang huling utos niya na gawin natin. At ano iyon? Na gawin nating alagad niya ang lahat ng bansa, na binyagan natin ang lahat sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, na turuan natin ang mga tao na sumunod sa pinag-uutos niya, na maging saksi niya tayo sa lahat. Gusto ni Jesus na ipagpatuloy natin ang kanyang gawain. Umakyat na siya sa langit na hindi pa tapos ang kanyang misyon kasi ito ay patuloy niyang ginagawa sa pamamagitan natin sa simbahan na kanyang katawan. Si Jesus pa rin ang gumagawa nito ngunit kasama na tayo at sa pamamagitan na natin. Ganoon kalaki ang kanyang tiwala sa atin. Huwag sana natin siyang biguin!

Pero huwag tayong matakot na hindi natin ito kaya kasi nangako siya na dahil sa kanyang muling pagkabuhay nasa kanya ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa at ito ay ibinigay niya sa atin. Makapangyarihan ang nag-utos sa atin at ang kapangyarihan niya ay kumikilos sa atin. Ang dasal ni San Pablo ay siya din sanang dasal natin. Ano iyon? “Sana liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo…. ang walang hanggang kapangyarihan niya sa atin na mga nananalig sa kanya.” Kumikilos sa atin ang kapangyarihan ni Jesus, ang kapangyarihan na muling bumuhay sa kanya. Alam ba natin ito? Ito ay kumikilos sa atin upang magampanan natin ang ipinagagawa niya sa atin. Makakayanan natin ang ating misyon hindi dahil sa ating galing o tapang, kundi dahil sa kapangyarihan din na galing sa kanya! Kaya nasa atin ang kanyang Espiritu, na walang iba kundi ang Espiritu Santo.

Isa rin sa nagpapalakas ng ating loob ay ang pag-asa na binubuhay sa atin ng pag-akyat ni Jesus sa langit. Minsan sinabi ni Jesus na siya ay aalis upang ipaghanda tayo ng matitirhan. Ang bahay ng kanyang Ama ay may maraming silid. Ipaghahanda niya tayo doon ng lugar at babalik uli siya para tayo ay kaunin upang kung nasaan siya, tayo din ay duroon. Ang kapistahang ito ay nagbibigay sa atin ng pag-asa. Babalik uli siya at isasama tayo kung nasaan siya. Hindi ba ito rin ang sabi ng dalawang anghel sa mga alagad noong nakatingala sila na sinusundan ang pag-akyat ni Jesus sa langit na parang iniwan na sila? “Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik tulad ng nakita ninyong pag-akyat niya.” Babalik uli siya! Pinanabikan natin ito. Umaasa tayo rito. Aakyat din tayo sa langit. Makalangit tayo!

Inuudyok po tayo ng ating kapistahan ngayon sa dalawang direksyon. Una, dito sa lupa. May misyon tayo. Iniwan sa atin ang kapangyarihan ni Jesus upang ipagpatuloy natin ang misyon na pagpalaganap ng kaharian ng Diyos sa lahat. Marami-rami pa ang aabutin natin. Walong bilyon na ang mga tao sa mundo at hindi pa umaabot sa dalawang bilyon ang mga kristiyano. Kaya kailangan tayong magsipag. At huwag tayong matakot. Nangako siya na magiging kasama niya tayo hanggang sa wakas.

Ang pangalawang direksyon. Hinihikayat tayo ng kapistahan na tumingala sa langit at hangarin na makasama tayo doon ni Jesus. Doon sa langit matutupad ang lahat ng ating pinagsisikapan at inaasam. Hindi natin na-i-imagine ngayon ang kagandahan, ang kabutihan at ang kaligayahan na inihanda ng Diyos para sa atin. Kaya huwag tayong matakot sa anumang kabiguan o kahinaan o sa anuman ngang pagkakamali. Maitutuwid ang lahat sa langit.

Ang Ascension Sunday ay ang World Communications Sunday. Ito ay itinatag ni St. Paul VI noong 1967 upang kilalanin ang progress na ginawa ng mga tao sa pagpapalawak ng komunikasyon. Marami na ang naaabot ng mga tao ngayon sa social media. Sana ito ay gamitin sa pagtupad ng misyon natin na abutin ang lahat ng Magandang Balita. Pero mag-ingat tayo kasi nagagamit din ang social media na magpalaganap ng kasinungalingan. Sa halip na pag-isahin ang mga tao ng media of communication, pinaghihiwalay pa at pinag-aaway pa tayo. Hindi katotohanan ang kumakalat kundi kasinungalingan. Hindi pag-iibigan at pagtutulungan kundi hidwaan.

Huwag po natin ayawan ang social media. Bahagi na ito ng buhay. Mag-ingat lang tayo na hindi tayo mapasama nito. Kailangan ng disiplina upang hindi tayo masilo at maging addict nito. Huwag tayo maniwala sa lahat ng balita na natatanggap natin. Marunong dapat tayo magsuri at hiwalayin ang mabuti sa masama. Huwag tayong magkalat ng kasinungalingan at ng kasamaan. Sa halip, gamitin natin ang social media upang lalong maintindihan ang mensahe ni Kristo. Napakarami ding mabubuting pahayag dito, at tumulong tayong i-share ang magaganda at mabubuti.

Ngayong taon na ika-60 anibersaryo na ng World Communication Sunday, ang paksa ay “preserving human faces and voices.” Uso na ngayon ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) na madalas nadadala na lang tayo ng pananaw, hindi na ng konkretong tao kundi ng sinasabi sa atin ng AI. Kung hindi tayo maingat mawawala na ang pagkikipag-unayan natin sa kapwa tao kundi ang pananaw natin ay iyon na lang na sinasabi sa atin ng AI na iyan ay produkto ng isang programa. Habang ginagamit natin ang programa ng internet para magpalaganap ng Magandang Balita, sikapin natin na hindi mawala ang ating pakikipagkapwa tao sa direktang pakikipag-ugnay sa kanila.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 16,357 total reads

 16,357 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 6,048 total reads

 6,048 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 87,656 total reads

 87,656 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 181,881 total reads

 181,881 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 242,371 total reads

 242,371 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 255,967 total reads

 255,967 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily August 23, 2026

 2,085 total reads

 2,085 total reads 21st Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 22:19-23 Rom 11:33-36 Mt 16:13-20 Nauuso ngayon ang paggawa ng mga survey upang malaman ang

Read More »

Homily August 16, 2026

 10,656 total reads

 10,656 total reads 20th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 56:1.6-7 Rom 11:13-15.29-32 Mt 15:21-28 Noong kapanahunan ng Lumang Tipan, ang mga Hudyo ay mapangmata

Read More »

Homily August 9, 2026

 18,989 total reads

 18,989 total reads 19th Sunday in Ordinary Time Cycle A 1 Kgs 19:9.11-13 Rom 9:1-5 Mt 14:22-33 Siguro naman gusto nating makipagtagpo sa Diyos? Siyempre Oo,

Read More »

Homily August 2, 2026

 26,626 total reads

 26,626 total reads 18th Sunday of Ordinary Time Cycle A St John Mary Vianney Sunday Is 55:1-3 Rom 8:35.37-39 Mt 14:13-21 Ngayong Linggo ay St. John

Read More »
Scroll to Top