Mananampalataya, binalaan ng Diocese of Imus sa mga pekeng paring katoliko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,031 total reads

Nagbabala ang Diyosesis ng Imus sa mga mananampalataya kaugnay ng mga ulat hinggil sa mga indibidwal na nagpapanggap bilang mga paring Katoliko Romano at nagsasagawa ng mga ritwal ng Simbahan.

Sa liham sirkular, ipinabatid ni Bishop Reynaldo Evangelista na nakatanggap sila ng mga ulat tungkol sa mga nagsasagawa ng mga ritwal ng liturhiya kabilang ang paggagawad ng mga sakramento tulad ng Binyag, Banal na Eukaristiya, Kasal, at iba pang uri ng pagbabasbas, gamit ang Rito ng Simbahang Katoliko Romano, kahit mga hindi lehitimong pari.

“It has come to our attention, through reports from concerned members of the faithful of the Diocese of Imus, that certain individuals perform liturgical rites… using the Roman Catholic Rite despite not being validly ordained Roman Catholic Priests,” ayon kay Bishop Evangelista.

Pinaalalahanan ng obispo ang mananampalataya at mga katolikong institusyon, kabilang ang mga lokal na pamahalaan, paaralan, negosyo, punerarya, tanggapan, at mga establisimyento, na ang pagtanggap ng mga sakramento mula sa mga hindi lehitimong pari ay hindi lamang labag sa batas ng Simbahan kundi hindi rin katanggap-tanggap alinsunod sa Code of Canon Law.

“I kindly remind all Catholic communities and concerned institutions… that the administration of these sacraments or liturgical rites by these persons is not only illicit but also invalid, as stipulated in the Code of Canon Law 1168-1170.”

Bilang pag-iingat, hinimok ni Bishop Evangelista ang publiko na mas makabubuting bumisita sa pinakamalapit na tanggapan ng parokya ng Simbahang Katoliko upang tiyakin ang mga itinakdang gawain, oras ng serbisyo, at iba pang katanungan.

Saklaw ng Diyosesis ng Imus ang buong lalawigan ng Cavite, na binubuo ng 150 pari sa 89 parokya, at gumagabay sa mahigit 3.5 milyong Katoliko.

Patuloy naman ang paalala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mamamayan na maging mapanuri at mag-ingat laban sa mga indibidwal na ginagamit ang pangalan ng simbahan para sa pansariling interes at iba pang mapanlinlang na gawain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 31,027 total reads

 31,027 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 67,808 total reads

 67,808 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 86,019 total reads

 86,019 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 170,347 total reads

 170,347 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 206,305 total reads

 206,305 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,893 total reads

 80,893 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top