Ceasefire sa pagitan ng Iran at Israel, panalangin ng MOP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,176 total views

Umaasa si Military Bishop Oscar Jaime Florencio na mauuwi sa usapang pangkapayapaan ang umiiral na alitan sa pagitan ng Israel at Iran kasunod ng pag-iral ng tigil-putukan ng magkabilang panig, sa halip na pairalin ang karahasan na lalo lamang nagpapalala sa kalagayan ng mga inosenteng mamamayan.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay na rin sa umiiral na tigil-putukan sa pagitan ng dalawang bansa, sa inisyatibo ng pamamagitan ni US President Donald Trump upang mahinto ang 12-araw na labanan na kumitil sa buhay ng maraming tao at pagkasira ng mga gusali, at pamayanan sa Iran at Israel.

Sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan partikular sa pagitan ng Iran at Israel, mariing binigyang-diin ng Obispo na ang makatao at maka-Diyos na tugon sa sigalot ay ang bukas at tapat na pag-uusap, hindi ang pagpapalitan ng karahasan.

“Para sa akin, dapat talaga mag-ceasefire dahil marami ang naantala na buhay ng inosente,” pahayag ni Bishop Florencio.

“Ang naaayon sa teaching ng Simbahan ay mag-dialogue, hindi iyon bakbakan. Mag-usap at dalhin sa negotiating table ang mga isyu.”  Ayon sa Obispo, kung patuloy na ipagwawalang-bahala ang pagkakataong makipag-usap, lalo lamang lumalalim ang sugat ng hidwaan. Naniniwala ang obispoi na dapat muling pagtibayin ang tiwala at bukas na komunikasyon upang matugunan ang mga ugat ng kaguluhan.

Bilang pastol ng mga kasapi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, binigyang-diin ni Bishop Florencio na hindi dapat kalimutan ang pinakamahalagang layunin ng bawat hakbang — ang pangangalaga sa buhay at dignidad ng bawat mamamayan.

Giit ng obispo mas mainam na harapin ang magkabilang panig sa isang mahinahong pag-uusap kaysa sa tuluyang pagkawasak ng mga komunidad.

Paalala ni Bishop Florencio na ang tunay na lakas ay makikita sa kakayahang makinig, magpatawad, at magtaguyod ng katarungan sa pamamagitan ng mapayapang paraan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIEST’S IN CRISIS

 4,133 total views

 4,133 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 4,133 total views

 4,133 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 117,954 total views

 117,954 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 140,995 total views

 140,995 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 161,916 total views

 161,916 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top