Order of Rajah Humabon, iginawad kay Cebu Archbishop Palma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,286 total reads

Pinarangalan ng Cebu City Government si Cebu Archbishop Jose Palma ng Order of Rajah Humabon, ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng lunsod.

Sa mensahe ng arsobispo nagpasalamat ito sa pagkilalang natanggap ngunit binigyang diin nitong ang kanyang mga tagumpay sa pagpapastol at paglilingkod sa pamayanan ay dahil sa suporta at pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan at simbahan.

“Sometimes people honor me, but I say, no — all of us are there. That’s the qualification I would like to make… It’s not only me, it’s we, the whole community that are part of all of this we call successful celebrations in Cebu…in this award, they are all here,” bahagi ng mensahe ni Archbishop Palma.

Ginanap ang awarding nitong June 26 sa Seminario Mayor de San Carlos (SMSC) kung saan pinangunahan ni Archbishop Palma ang banal na misa kasama sina Cebu Vicar General Msgr. Rogelio Fuentes SMSC priest-formators sa pangunguna ni seminary Rector Fr. Mhar Vincent Balili at iba pang pari ng arkidiyosesis.

Kasabay ng paggawad ng parangal kay Archbishop Palma ang pagbasbas sa mga tanggapan ng seminaryo, ang St. Charles Borromeo Chapel ng SMSC at ang krus na likha ni National Artist Napoleon Abueva na idineklarang important heritage structures and cultural properties.
Si Archbishop Palma ay inordinahang pari ng Archdiocese of Jaro noong Agosto 1976, naging Auxiliary Bishop ng Cebu noong 1997 at ginarawan ng episcopal ordination January 13, 1998.

Taong 1999 nang italaga ni noo’y santo papa St. John Paul II bilang obispo ng Diocese of Calbayog habang 2006 inilipat bilang arsobispo ng Archdiocese of Palo. Makalipas ang apat na taong paninilbihan sa Palo ay itinalaga ni Pope Benedict XIV si Archbishop Palma bilang arsobispo ng Cebu kahalili kay Cardinal Ricardo Vidal.

Sa loob ng 15 taong pagpapastol sa Archdiocese of Cebu kabilang sa mga mahalagang bahagi ng kasaysayan sa kanyang panunungkulan ang pagdeklarang santo kay San Pedro Calunsod kung saan katuwang si Cardinal Vidal ay nagtungo ang libu-libong Pilipino sa Roma upang saksihan ang canonization rites sa ikalawang Pilipinong santo.

Gayundin ang pangunguna ng arkidiyosesis sa International Eucharistic Congress, ang pagdiriwang ng 500 Years of Christianity lalo’t ang Cebu ang tinaguriang ‘cradle of Christianity’ at iba pang malalaking gawain ng simbahan sa Pilipinas at maging sa buong Asian region.
Ang Order of Rajah Humabon ay naitatag noong 1994 para kilalanin ang mga indibidwal na may natatanging ambag at paglilingkod sa pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 67,755 total reads

 67,755 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,456 total reads

 146,456 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 179,903 total reads

 179,903 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 215,200 total reads

 215,200 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 438,946 total reads

 438,946 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top