25-taong FTAA ng Ocenagold, pinapawalang bisa ng Diocese of Bayombong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,141 total views

Nagpapatuloy ang pagdinig sa Regional Trial Court (RTC) ng Nueva Vizcaya kaugnay sa kontrobersyal na 25-taong Financial or Technical Assistance Agreement (FTAA) ng OceanaGold Philippines Inc. (OGPI) para sa operasyon ng minahan sa Barangay Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Tinututulan ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, na siyang pangunahing petitioner sa kaso, ang kakulangan ng public consultation sa proseso ng pagpapahintulot sa panibagong FTAA, na nagbigay-daan muli sa mapaminsalang minahan, sa kabila ng matinding pagtutol ng mga apektadong residente at pamayanan.

“This pattern continues to date, as OceanaGold made recent pronouncements of spending millions of dollars for mining exploration this year and we still have yet to hear about any public consultation for these developments,” pahayag ni Bishop Mangalinao.

Magugunita noong April 22, 2024 nang magpasa ng special civil action ang mga petitioner na humihiling ng Certiorari para ipawalang-bisa ang kasalukuyang FTAA at operasyon ng minahan, at ng Continuing Mandamus para sa agarang rehabilitasyon ng open pit facility.

Samantala, noong April 2, 2025, naglabas ng hating desisyon ang RTC na ipinag-utos ang pre-trial para sa Continuing Mandamus ngunit isinantabi ang kahilingan para sa Certiorari, sa pagsasabing ang renewal ay itinuturing lamang na pagpapalawig ng dating kasunduan at hindi nangangailangan ng panibagong konsultasyon.

Nilinaw naman ni Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) legal counsel Atty. Rolly Peoro, na walang batayang legal sa FTAA renewal agreement, Philippine Mining Act, o sa Saligang Batas ang tinatawag na karaniwang pagpapalawig ng kasunduan.
Iginiit ni Peoro na kahit extension lamang ng exploration phase ang pinag-uusapan, dapat pa ring sundin ang itinakdang konsultasyon sa publiko alinsunod sa Local Government Code.

Nakasaad naman sa Motion for Reconsideration ng mga petitioner na: “Ultimately, the failure to secure prior consultations and obtain the requisite endorsements from the appropriate Sanggunian bodies is not a mere technical lapse, but a substantive and jurisdictional defect. Such conduct, in manifest violation of both statutory and constitutional safeguards, undeniably constitutes grave abuse of discretion warranting judicial correction.”

Nagtapos ang 25-taong mining permit ng OceanaGold noong 2019, ngunit binigyan ng panibagong permiso ng Office of the President noong 2021 para sa karagdagang 25-taon.

Itinuturing ang Nueva Vizcaya bilang “watershed haven” dahil sa taglay nitong mga watershed na tumutugon sa pangangailangang patubig at pang-agrikultura ng lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 46,276 total views

 46,276 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 42,145 total views

 42,145 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,347 total views

 78,347 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 87,082 total views

 87,082 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,492 total views

 112,492 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top