Ceasefire sa pagitan ng Iran Israel, pinuri ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,484 total reads

Malugod na tinanggap ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang tigil-putukan sa pagitan ng Iran at Israel, na inisyatiba ng Estados Unidos.

Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, ito ay mahalagang hakbang tungo sa pagkamit ng kapayapaang matagal nang inaasam sa Gitnang Silangan.

“Any pause in violence offers a chance to prevent further loss of life and rebuild diplomatic channels,” ayon kay Bishop Santos. Naniniwala ang obispo na ang ganitong hakbang ay hindi lamang panandaliang katahimikan, kundi maaaring maging simula ng mas malalim na diyalogo at pagkakaunawaan.

Sa kabila nito, sinabi ng Obispo na ang tagumpay ng ceasefire ay nakasalalay sa tunay na hangarin ng mga sangkot na makamit ang pangmatagalang solusyon sa mga ugat ng alitan.

“Such a ceasefire’s effectiveness often depends on the sincerity of commitments and the broader political will to resolve long-standing issues,” dagdag niya.

Mula sa pananaw ng Catholic Social Teaching, iginiit ni Bishop Santos na ang kapayapaan ay hindi lamang ang kawalan ng digmaan kundi ang presensya ng katarungan, paggalang, at pakikipag-ugnayan.

“Peace is not simply the absence of war — it’s the presence of justice, mutual respect, and dialogue,” ayon pa kay Bishop Santos.

“If this ceasefire aims to promote understanding, protect human dignity, and seek reconciliation rather than simply serve geopolitical interests, then it aligns more closely with the Church’s call for peace.”

Muli ay hinikayat ng Obispo ang pananalangin para sa mga lider ng bansa, lalo na ang mga kasangkot sa kaguluhan, na magkaroon ng tapang at kababaang-loob upang piliin ang pakikipag-usap kaysa sa karahasan.

“We lift up to you the leaders of nations, especially those involved in conflict,” wika niya sa panalangin.

“Grant them the courage to choose dialogue over division, mercy over might, and to see in their enemies not adversaries, but fellow children of God.”

Umaasa si Bishop Santos na ang ceasefire ay maging simula ng tunay na pagbabago at kapayapaan.

“May this ceasefire be a first step toward true and lasting peace. Protect the innocent, heal the wounded, and comfort the grieving,” panalangin ni Bishop Santos, na siya ring parish priest ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 92,189 total reads

 92,189 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 128,253 total reads

 128,253 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 162,385 total reads

 162,385 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 218,790 total reads

 218,790 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top