Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan, hinimok na alisin ang pamumuhunan sa mga industriyang nakakasira sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

 32,550 total views

Hinimok ni Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang mga katiwala ng pananalapi ng Simbahan na muling suriin ang mga pamumuhunan nito upang matiyak na hindi ito nakikinabang mula sa mga industriyang nakapipinsala sa tao at kalikasan.
Binigyang-diin ni Bishop Bagaforo na dapat sumasalamin sa mga turo ni Kristo ang mga pamumuhunan ng Simbahan, sapagkat kung hindi ay nanganganib itong masira ang dangal at tiwala ng mga mananampalataya.

Ginawa ni Bishop Bagaforo ang panawagan sa kanyang pagninilay para sa 24th Archdiocesan Financial Administrators of the Philippines Convention noong June 19, 2025 sa Sto. Niño de Bula Parish sa General Santos City.

“We cannot preach justice on Sunday while profiting from injustice on Monday… Our finances are not just tools — they are moral acts. They either support human dignity and the common good, or they fuel destruction and inequality,”
pahayag ni Bishop Bagaforo.

Matatandaan sa mga pastoral statement ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) noong 2019 at 2022, nanawagan ang mga obispo sa lahat ng institusyong Katoliko — kabilang ang mga diyosesis, paaralan, at kongregasyon — na umiwas sa pamumuhunan sa mga mapaminsalang industriya tulad ng coal at fossil fuels, pagmimina, at ilegal na pagtotroso.

Ayon kay Bishop Bagaforo, ang divestment ay hindi isang padalus-dalos na pagbawi ng pondo, kundi isang moral na paninindigan.

“The true wealth of the Church lies not in its assets, but in its witness to the Gospel — especially in the face of suffering, injustice, and ecological collapse,” giit ni Bishop Bagaforo.

Bilang halimbawa ng negatibong epekto ng mapaminsalang pamumuhunan, binanggit ni Bishop Bagaforo ang mga kaso ng sapilitang pagpapalayas sa mga katutubo sa kanilang lupaing ninuno sa Sierra Madre, pagkalason ng baybayin sa Maynila na apektado ang mga mangingisda, at mga pamayanang sinira ng pagmimina sa Mindanao.

Sa kabila nito, kinilala ng obispo ang mahalagang gampanin ng mga katiwala ng pananalapi bilang mga tagapangalaga ng pag-asa at tagapagtaguyod ng katarungan.

Hamon ni Bishop Bagaforo sa mga tagapangasiwa na maging tapat sa tungkuling ipinagkatiwala ng Simbahan at isabuhay ang pananampalataya sa bawat hakbang — lalo na sa paggamit ng pondo para sa kapakanan ng mga higit na nangangailangan.

“Let us ensure that every peso invested by the Church becomes a seed for the Kingdom of God — a seed that brings life, dignity and healing to those who need it most,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 15,736 total views

 15,736 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 53,576 total views

 53,576 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 64,532 total views

 64,532 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 89,892 total views

 89,892 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 10,928 total views

 10,928 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 10,930 total views

 10,930 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top