Bishop Varquez, nagbabala laban sa grupong nagpapanggap na Katoliko sa Eastern Samar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,164 total reads

Pinag-iingat ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang mga mananampalatayang katoliko hinggil sa presensya ng isang grupong hindi kabilang sa Simbahang Katolika sa ilang barangay sa Eastern Samar.

Sa pahayag, binalaan ni Bishop Varquez ang mga mananampalataya kaugnay sa mga gawain ng Apostolic Catholic Church (ACC), na kilala rin bilang Apostolika’t Katolikang Simbahan o Simbahang Apostolika Katolika.

Itinatag ang nasabing grupo, noong 1992 ni John Florentine Teruel, na sinasabing aktibo sa ilang pamayanan sa loob ng diyosesis, kabilang ang mga barangay ng Bato, Pinanag-an, at Baras sa Borongan City, maging sa bayan ng Guiuan.

“While we respect their right to practice their religion, it is crucial that we remain steadfast in our Catholic identity,” ayon kay Bishop Varquez.

Pagbabahagi ng obispo na ang mga ministro ng ACC ay nagsusuot ng kasuotang pang-misa na kahalintulad ng sa mga pari ng Simbahang Katolika, dahilan kaya’t may ilang mga miyembro ng parokya ang nalilito.

Hinimok ni Bishop Varquez ang mga Katoliko na huwag dumalo sa mga pagsamba at misa ng ACC, lalo na ang mga pagdiriwang ng Eukaristiya, gayundin ang hindi dapat pagpapagamit sa mga simbahan at kapilya ng diyosesis para sa mga sakramento o gawain ng nasabing grupo.

“In the face of religious diversity, it is important that we remain strong in our convictions and deepen our understanding of our Catholic Faith. We must educate ourselves about the teachings of the Church while embracing the richness of our Catholic traditions,” saad ni Bishop Varquez.

Samantala, naglabas din ng babala ang Diyosesis ng Imus matapos makatanggap ng ulat kaugnay sa mga indibidwal na nagpapanggap bilang mga paring Katoliko Romano at nagsasagawa ng mga ritwal ng Simbahan sa lalawigan ng Cavite.

Paalala ng simbahan sa mamamayan na maging mapanuri at mapagmatyag laban sa mga mapagsamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ng simbahan para sa pansariling interes at iba pang mapanlinlang na gawain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 73,771 total reads

 73,771 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,266 total reads

 152,266 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,714 total reads

 185,714 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 221,011 total reads

 221,011 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,547 total reads

 444,547 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,628 total reads

 157,628 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top