Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo, dismayado sa 50-pesos na wage hike

SHARE THE TRUTH

 25,271 total views

Dismayado ang isang opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa kakarampot na 50-pesos na umento sa sahod ng mga minimum wage worker sa National Capital Region na inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board at Department of Labor and Employment.

Ayon kay Caritas Philippines Vice-chairman Bishop Gerardo Alminaza, kulang na kulang ang dagdag suweldo upang makasabay ang kita ng mga manggagawa sa mataas na presyo ng mga bilihin, serbisyo gayundin ang tumataas na pamasahe.

Binigyan diin ng Obispo na masyadong malayo ang wage increase sa recovery wage at living wage upang makapamuhay ng may dignidad ang isang manggagawa.

“This meager Php 50 increase falls far short of what workers urgently need. It does not come close to a “recovery wage,” let alone the living wage that is just and humane. In the face of persistent inflation, rising fuel prices, and the worsening cost of living, this increase is insultingly insufficient. Workers and their families deserve wages that allow them to live decently—not merely survive,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Iginiit ng Obispo na insulto sa isang manggagawa ang ipapatupad na wage hike sa July 18, 2025 sa NCR na maitututing na pagkiling ng DOLE at RTWPB sa mga negosyante.

Kaugnay nito, muling isinusulong ni Bishop Gerardo Alminaza ang apela ni Pope Francis sa nakakabuhay na suweldo upang mabigyan ng dignidad ang pamumuhay ng mga manggagaw at pamilya na kanilang sinusuportahan.

Isinusulong ng simbahan sa pamahalaan at kongreso na ipatupad ang 1,200 pesos na daily family living wage ng mga manggagawa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,018 total views

 6,018 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,001 total views

 24,001 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 43,938 total views

 43,938 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,132 total views

 61,132 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,507 total views

 74,507 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,161 total views

 16,161 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 33,282 total views

 33,282 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top