Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 268,650 total reads

Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura ng lokal na pamahalaan ng Subic?

Pansamantala lamang dapat ang naturang open dumpsite na nagsimula noong 2019. Tagô raw kasi ang lugar at nasa gitna ng gubat kaya doon naisipan ng LGU na itambak ang basura ng munisipalidad, kasama ang mga medical wastes noong COVID-19 pandemic na delikadong ihalo sa karaniwang basura. Hindi raw alam ng LGU na may mga katutubong nakatira sa lugar.

Para marating ang tambakan, nagpatayo ng kalsada ang LGU, bagay na ikinatuwa ng mga katutubo dahil mapapadali nito ang pagbiyahe nila. Hindi nagtagal, nagsidatingan ang mga trak na may kargang basura. Ayon sa komunidad, sinabihan daw sila ng LGU na pansamantala lamang ang pagtatambak. Maglalagay raw ng plastic liner para hindi tumagas sa lupa ang leachate o katas ng basura. Pero hindi nangyari ang mga ito. Inabot ng halos pitong taon ang operasyon ng open dumpsite bago ito tuluyang ipinasara. Kitang-kita sa dokumentaryo ang malubhang epekto ng tambakan sa komunidad at kalikasan.

Ilang pamilya ang napilitang umalis at lumipat sa mas malayong bahagi ng bundok dahil sa mga langaw at masangsang na amoy mula sa tambakan. Dahil sa basura at katas nito, naging kontaminado rin ang sapang pinagkukunan nila ng pagkain at inuming tubig.

Iligal ang pagkakaroon ng open dumpsite at malinaw na paglabag ito sa Ecological Solid Waste Management Act. May paglabag din sa Philippine Clean Water Act dahil sa kontaminasyon nito sa sapa at groundwater. Noong 2022, napag-alaman ito ng Department of Environment and Natural Resources (o DENR) at agad iniutos ang pagsasara ng tambakan at pag-rehabilitate sa lugar. Inabot pa ng mahigit tatlong taon bago tuluyang ipasara ang dumpsite! Hanggang ngayon, nananatili pa rin ang gabundok na basura at patuloy pang nagdurusa ang mga katutubo sa masamang epekto nito.

Noong Marso 2026, naglabas ng cease-and-desist order ang DENR at iniutos sa Subic LGU na tanggalin ang basura. Ayon sa LGU, hindi raw ito maisasagawa dahil mangangailangan ito ng malaking badyet at aabutin ng maraming taon. Ang kaya lang daw nilang gawin ay tambakán ito ng lupa upang hindi na kumalat. Matapos mag-viral ang dokumentaryo at matapos ulanin ng batikos ang Subic LGU, sinimulan na ng lokal na pamahalaan ang paghahakot ng basura upang ilipat sa isang sanitary landfill.

May magagawa naman pala. Bakit kinailangan pang lumabas sa TV at kumalat sa social media ang kuwento ng mga katutubong Aeta bago kumilos ang gobyerno? Patunay ang tambakang ito ng kawalan ng pagpapahalaga maging ng gobyerno sa dignidad ng mga katutubo. Ang lupang ninuno ay hindi lamang pag-aari ng mga katutubo—ito ay nakakabit sa kanilang kultura at pagkatao. Tunay ngang nakagagalit ang trahedyang ito. Sa kasamaang palad, paulit-ulit na ang ganitong kuwento: ang mga katutubo ang laging isinasantabi sa mga ginagawa ng pamahalaan at sa mga pribadong negosyong pinahihintulutan nito.

Binibigyang-diin sa Catholic social teaching na Laudato Si’ ang pagpapahalaga at paggalang sa mga katutubo. Para sa mga katutubo, ang lupa ay hindi commodity o produkto kundi sagradong biyaya na ipinamana ng kanilang mga ninuno at malaking bahagi ng kanilang pagkakailanlan. Kaya malaking kasalanan ang pagpapatayo ng Subic LGU ng tambakan sa lupang ninuno ng mga Aeta.

Mga Kapanalig, gaya ng paalala sa Jeremias 22:3, “Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran. Ipagtanggol ninyo ang mga naaapi laban sa mapagsamantala.” Katuwang ang media, bantayan natin kung tutuparin talaga ng Subic LGU at ng pamahalaan ang pangako nilang iwawasto ang paglapastangan sa paraiso at dignidad ng mga kapatid nating katutubong Aeta. 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 42,814 total reads

 42,814 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 147,569 total reads

 147,569 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 233,679 total reads

 233,679 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 303,813 total reads

 303,813 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 335,714 total reads

 335,714 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang balde

 42,816 total reads

 42,816 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 233,681 total reads

 233,681 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 303,815 total reads

 303,815 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »
Scroll to Top