Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Tagle na makiisa sa PCNE 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,758 total views

Hinimok ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization, ang mga mananampalataya na makiisa sa 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE 2026) na may temang “Sangkay: I have called you friends” mula sa Ebanghelyo ni San Juan.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang taunang pagtitipon ng PCNE ay pagkakataon upang pagnilayan kung paano maisasabuhay ng mga Kristiyano ang paanyaya ni Hesus na ituring ang isa’t isa bilang mga kaibigan.

“Tinawag tayo ni Jesus, kayo’y aking mga kaibigan. Sinasabuhay ba natin ito? Paano natin ito maipahahayag sa kilos, salita at gawa?” pahayag ni Cardinal Tagle.

Ipinaliwanag ng kardinal na ang pakikipagkaibigan ay hindi lamang dapat manatili sa salita, kundi kailangang makita sa paraan ng pamumuhay, pakikitungo sa kapwa, at maging sa mga istrukturang binubuo ng Simbahan at lipunan.

Binigyang-diin niya na ang tunay na pagsunod kay Kristo ay nangangailangan ng paglikha ng mga komunidad na nakabatay sa malasakit, pagtanggap, at pagkakaisa.

“Ang ating mga istruktura ay istruktura ng pakikipagkaibigan,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Isasagawa ang PCNE XII mula July 24 hanggang 26, 2026 sa University of Santo Tomas (UST) Quadricentennial Pavilion sa Maynila.

Mahahati ang pagtitipon sa dalawang bahagi: ang PCNE for All sa July 24 hanggang 25, at ang PCNE All Youth naman sa July 26.

Tampok sa unang araw ng PCNE ang pagluluklok sa imahen ng Our Lady of the Rosary of Manaoag, Banal na Misa na pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, at keynote address ni Naval Bishop Rex Ramirez tungkol sa “Relational Conversion” o pagbabago ng ugnayan ng tao tungo sa pakikipagkaibigan kay Kristo.

Pangungunahan naman ni Cardinal Tagle ang Heart-to-Heart na may paksang Friendship and Accompaniment, at ang Plenary Talk na pagtutuunan ang “The Banquet of Friends: The Eucharist as the School of Relational Conversion.”

Sa ikalawang araw, Hulyo 25, pagtutuunan ng pansin ang ugnayan ng tao sa Diyos, kapwa, at sangnilikha sa pamamagitan ng mga panalangin at talakayan tungkol sa pagmamahal sa kapwa, digital age, at pagiging mga alagad na handang magmisyon. Magtatapos ito sa Banal na Misa na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown.

Itatampok naman sa ikatlong araw ang PCNE All Youth, na may mga programa tulad ng “Lakbay Sangkay” at “Sangkay META (Mission, Evangelization, Testimony, and Action)”, gayundin ang mga plenary talk ni Cardinal Tagle tungkol sa misyon at pananampalataya ng kabataan.

Nanawagan si Cardinal Tagle sa mga layko, pari, relihiyoso, at iba pang mananampalataya na makiisa sa pagtitipon upang sama-samang tuklasin kung paano maisasabuhay ang mensahe ng pakikipagkaibigan ni Kristo sa kasalukuyang panahon.
Unang isinagawa ang Philippine Conference on New Evangelization noong 2013 sa pangunguna ni Cardinal Tagle, na noo’y Arsobispo ng Maynila, bilang tugon sa panawagan ng Simbahang Katolika para sa New Evangelization.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 7,425 total views

 7,425 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 35,776 total views

 35,776 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 103,506 total views

 103,506 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 126,657 total views

 126,657 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 196,308 total views

 196,308 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top