Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 213,330 total reads

Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa.

Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang panawagan ng pananagutan nang mabunyag ang multi-bilyong pisong pandarambong sa flood control projects ng pamahalaan. Umalma na ang taumbayan sa tila naging kultura ng korapsyon., na mismong mga opisyal ng gobyerno ang nasa likod ng malawakang pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Kapanalig, kung accountability ang pag-uusapan, paano naman sa larangan ng social media? Sino ang dapat managot sa paglaganap ng fake news? Sino ang dapat managot sa iba’t-ibang suliranin na dulot ng social media?

Kamakailan, naglabas ang Catholic Bishops Conference of the Philippines ng “Isang Pahayag Ukol sa Moral at Panlipunang Krisis Dahil sa Online Gambling”

Ipinahayag ng CBCP sa liham pastoral ang pagkabahala sa tila may bagong salot o virus na sumisira sa mga indibidwal at pamilya, at sa lipunan. Ito ay tahimik na kumakalat at nagdudulot ng malawakang pagkaalipin. Ang salot na ito ay ang pagkasugapa sa online gambling o sugal sa internet. Akala natin nakaligtas na tayo sa POGO at E-Sabong, at hindi maipagkakaila ang malalang epekto ng mga ito na hanggang ngayon ay ating dinaranas. Pero narito ang bagong mukha ng pagsusugal. Hindi natin namamalayan, talamak na ito, at marami, kasama na ang mga kabataan, ang nagiging adik sa online gambling.

Iginiit ng CBCP ang ebanghelyo ni San Lukas (Lukas 4:18-18) na misyon ng panginoong Hesus na magdala ng mabuting balita sa mga dukha, magpalaya sa mga bihag, at magpagaling sa mga sugatan.
Sa kabila ng panawagan, walang naipasarang online app., wala ding naparusahan sa iligal na pasugalan online na sumira sa maraming pamilyang Pilipino., sumira sa kinabukasan ng maraming kabataang Pilipino., naging dahilan ng krimen.,naging nahilan ng suicide.

Walang naging solusyon sa problema Kapanalig, ilang buwan ang lumipas, nabalot nang takot, pagkabahala at pangamba ang sambayanang Pilipino sa sunod-sunod na karahasan sa mga paaralan na kinasasangkutan ng mga menor-de-edad lalo ang trahedya na dulot ng pamamaril sa San Jose National High school sa Tacloban city na ikinasawi ng 3-estudyante at pagkasugat ng 20-iba pa. Ang itinuturong dahilan sa trahedya., ang pagkakahumaling at walang restriction sa access ng mga kabataan sa iba’t-ibang social media flatforms. Nabuhay na naman ang mga panawagan na higpitan ang access ng mga kabataan sa social media., tuluyan nang i-ban ang mga menor de edad sa paggamit ng anumang social media platform. Walang nangahas na gumawa ng paraan upang tugunan ang ugat ng suliranin. Mayroong tumugon, ang Department of Education., ang hilaw na solusyon: pagsasagawa ng “active shooter” drills sa iba’t-ibang paaralan sa Pilipinas. Matatawag ba itong solusyon?

Kapanalig, sa free for all na problemang dulot ng social media.,tulad ng cyberbullying, addiction,exposure sa mga predator, mental health issues, krimen….kailangan dito ay drastic na pagtugon. Total ban sa minors online!

Sa kasalukuyan, ipinagbabawal na sa halos 20-bansa ang “ban” sa mga batang may edad na 16-taong gulang pababa na gumamit ng social media. Mahigpit na ipinagbabawal sa mga kabataan ang paggamit ng Facebook, Instagram, Snapchat, Threads, TikTok, X, YouTube, Reddit, Twitch at Kick. Bukod sa ban, ipinatutupad din ang pananagutan o accountability sa mga social media platforms.

Iniisip din ba ito ng mga magagaling na lider ng ating bansa? Ano ang papanigan ng gobyerno? Ang kita o kinabukasan?

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 44,448 total reads

 44,448 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 149,163 total reads

 149,163 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 235,274 total reads

 235,274 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 305,407 total reads

 305,407 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 337,223 total reads

 337,223 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang balde

 44,449 total reads

 44,449 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 235,275 total reads

 235,275 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 305,408 total reads

 305,408 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »
Scroll to Top