Obispo nagbabala laban sa bagong anyo ng mga pagano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,827 total reads

Nagbabala si Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, MSP, sa mga mananampalataya laban sa mga bagong anyo ng pagiging pagano na unti-unting pumapalit sa Diyos bilang sentro ng buhay ng tao.

Ito ang binigyang-diin ng obispo sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng ika-20 na kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel Parish sa Inagawan, Puerto Princesa City nitong July 16.

Sa pagninilay ng obispo sa kasaysayan ng Bundok ng Karmelo noong panahon ni Propeta Elias, ipinaalala ni Bishop Mesiona na tulad ng mga Israelitang tumalikod sa Diyos at sumamba kay Baal, nahaharap din ang mga Kristiyano sa kasalukuyan sa mga tukso ng makabagong panahon.

“Sa ating panahon, maaaring wala na tayong mga rebulto ni Baal, ngunit may mga bago tayong anyo ng paganismo. Ang ilan sa mga ito ay ang labis na pagpapahalaga sa pera, kapangyarihan, katanyagan, at sariling interes. Ito ang mga bagay na madalas pumapalit sa Diyos sa sentro ng ating buhay,” ayon kay Bishop Mesiona.

Hinimok ng obispo ang bawat mananampalataya na magsagawa ng taos-pusong pagsusuri sa sarili upang matiyak na nananatiling ang Panginoon ang pangunahing sentro ng kanilang pananampalataya at pamumuhay.

Nilinaw ni Bishop Mesiona ang tunay na kahulugan ng Brown Scapular, isang sakramental na may malalim na kaugnayan sa debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Binigyang-diin ng pastol na hindi ito dapat ituring na anting-anting o pinagmumulan ng kapangyarihan, kundi isang paalala ng pangako ng Kristiyano na mamuhay nang tapat sa Diyos.

“Ang scapular ay hindi anting-anting at hindi rin pinagmumulan ng kapangyarihan. Ito ay isang paalala ng ating debosyon at pagtatalaga sa Diyos,” ani Bishop Mesiona.

Nagpaabot rin ng mensahe ng pag-asa at pakikiisa ang obispo sa mga dumaranas ng emosyonal at mental na pagsubok, at hinihikayat na huwag piliting mag-isa sa pagdadala ng kanilang mga pasanin.

“May isang Ina tayong nananalangin para sa atin. Ang Mahal na Birheng Maria ay patuloy na umaakay at namamagitan para sa kanyang mga anak,” saad ng obispo.

Pinangunahan ni Bishop Mesiona ang banal na misa kasama si Fr. Anthony Murillo, OAR, council member ng Order of Augustinian Recollects–Province of Ezekiel Moreno, mga misyonerong Rekoleto, at mga pari ng Vicariate of Puerto Princesa.

Ang Our Lady of Mount Carmel Parish ay itinatag noong 2006 at nagsisilbi sa mga barangay ng Inagawan, Inagawan-Sub, at Kamuning sa Puerto Princesa City.

Ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Monte Carmelo ay nagmula sa Bundok Carmel sa Israel, kung saan nanirahan ang mga unang ermitanyo. Noong 1251, ayon sa tradisyon, ipinagkaloob ng Birheng Maria ang Brown Scapular kay San Simon Stock bilang tanda ng kanyang pagkalinga at paanyaya sa banal na pamumuhay.

(With reports Katya Santos, AVPP Media)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 125,964 total reads

 125,964 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 157,694 total reads

 157,694 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 259,521 total reads

 259,521 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 300,078 total reads

 300,078 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 315,350 total reads

 315,350 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top