Tunay na kaunlaran, nakaugat sa katarungan at pangangalaga sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,014 total reads

Binigyang-diin ng Caritas Philippines na ang tunay na kaunlaran ay hindi lamang nasusukat sa paglago ng ekonomiya o sa dami ng naibabahaging tulong, kundi sa pagtiyak na ang paraan ng paglikha ng yaman at pagpapaunlad ng lipunan ay may paggalang sa dignidad ng tao, katarungang panlipunan, at pangangalaga sa kalikasan.

Sa inilabas na pastoral reflection, sinabi ni Caritas Philippines President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na nagpapasalamat ang Simbahan sa lahat ng sumusuporta sa misyon nito sa pamamagitan ng pagtulong sa mahihirap, pagtugon sa kalamidad, at pagsusulong ng Ebanghelyo.

Gayunman, iginiit ni Bishop Alminaza na mahalaga ring suriin kung ang pinagmumulan ng yaman at mga programang pangkaunlaran ay tunay na nagsisilbi sa kabutihang panlahat.

“Charity can never be separated from justice, nor love for the poor from care for creation. As Pope Francis reminds us in Laudato Si’, ‘everything is interconnected.’ The cry of the earth and the cry of the poor are one,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Ipinaliwanag ng obispo na dahil sa paninindigang ito ay patuloy na isinusulong ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang responsableng pangangasiwa ng mga yaman ng simbahan, kabilang ang mga etikal na pamumuhunan, pagsusulong ng ecological conversion, at hindi pagtanggap ng mga donasyong nagmumula sa mga gawaing nagdudulot ng matinding pinsala sa tao at sa kalikasan.

Nilinaw naman ni Bishop Alminaza na ang layunin ng simbahan ay hindi kondenahin ang sinuman kundi hikayatin ang bawat isa—maging ang simbahan mismo, pamahalaan, negosyo, at lipunan—na patuloy na magsuri at magbagong-loob sa liwanag ng Ebanghelyo.

“The Church’s mission is never to condemn persons but to proclaim principles that serve the common good,” ayon pa sa Obispo.

Kasabay nito, hinikayat din ng obispo ang simbahan na higit na kilalanin ang mga “hidden witnesses of the Gospel” o mga karaniwang mananampalatayang tahimik na nagsasabuhay ng pananampalataya sa araw-araw.

Kabilang dito ang mga magulang, katekista, boluntaryo, kabataan, magsasaka, mangingisda, at iba pang naglilingkod sa kanilang pamilya, komunidad, at sa pangangalaga ng kalikasan nang hindi naghahanap ng pagkilala.

“The Gospel teaches us that greatness is measured not by prominence, wealth or recognition, but by love expressed in humble service,” ayon kay Bishop Alminaza.

Naniniwala ang Caritas Philippines na ang pinakamataas na anyo ng pananagutang panlipunan ay hindi lamang ang pagbibigay ng tulong matapos makalikom ng yaman, kundi ang pagtiyak na ang mismong paraan ng paglikha nito ay nagsusulong ng dignidad ng tao, kapayapaan, katarungan, at pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 54,356 total reads

 54,356 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 89,032 total reads

 89,032 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 117,255 total reads

 117,255 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 153,740 total reads

 153,740 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 168,623 total reads

 168,623 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 85,442 total reads

 85,442 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top