Pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe, dadalaw sa Diocese of Kidapawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,667 total reads

Hinimok ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang mga mananampalataya na samantalahin ang pagdalaw ng pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe sa Diocese of Kidapawan bilang isang natatanging sandali ng biyaya, pagbabagong-loob, at pagpapanibago ng pananampalataya.

Sa kaniyang homiliya sa Rite of Reception ng imahe, second-class relic ng tilma at imahe ni San Juan Diego sa Kidapawan Cathedral, sinabi ni Bishop Bagaforo na ang pagdating ng Mahal na Birhen ay higit pa sa isang pangkaraniwang pagdiriwang o debosyon.

“Kining pagbisita sa atong Mahal nga Inahan dili lamang usa ka event. Kini usa ka kairos. Usa ka God-given moment. Usa ka panahon sa conversion, healing, renewal, ug pagpalig-on sa atong pagtuo,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Paliwanag ng obispo na ang aparisyon ng Our Lady of Guadalupe noong 1531 ay naging tugon ng Diyos sa isa sa pinakamadilim na yugto ng kasaysayan ng Simbahan sa gitna ng Protestant Reformation, kung saan milyon-milyong Kristiyano ang humiwalay sa Simbahang Katolika.

Aniya, ipinakikita ng Diyos na sa gitna ng pagkawala ay may bagong simula at masaganang biyaya.

“Kung adunay nawala, ang Diyos makahimo sa paghatag ug mas dakong grasya. Kung adunay kangitngit, ang Diyos makahimo sa pagdala ug kahayag. Kung adunay pagkawala sa paglaum, ang Diyos makahimo sa pagsugod ug bag-ong kabanata,” ani Bishop Bagaforo.

Iniugnay ng obispo ang mensaheng ito sa kasalukuyang kalagayan ng maraming pamilya at ng lipunan na nahaharap sa iba’t ibang suliranin kabilang ang lumalawak na bilang ng kahirapan sa bansa at lumalalang katiwalian at korapsyon sa pamahalaan.

Binigyang-diin din ni Bishop Bagaforo na bagama’t nananatiling malaking hiwaga ang milagrosong tilma, ang pinakamahalagang himala ay hindi ang mismong larawan kundi ang pagbabagong-loob ng tao.

“Mas dako pa nga milagro kaysa tilma… ang labing dakong milagro mao ang pagkabig sa kasingkasing. Kana ang tinuod nga tumong sa Guadalupe,” saad ng obispo.

Paalala rin ng pastol na ang tunay na debosyon kay Maria ay hindi humihinto sa Mahal na Birhen kundi humahantong kay Hesukristo.

Kasabay nito, nanawagan ang obispo sa mga pamilya, kabataan, mga samahang pansimbahan at relihiyoso, mga pari, at mga layko na samantalahin ang pagdalaw ng pilgrim image sa diyosesis sa pamamagitan ng pananalangin at pagdadala nito sa mga taong matagal nang nawalay sa Simbahan.

“Dad-a ninyo ang mga tawo nga dugay nang wala makabalik sa Simbahan. Dad-a ninyo ang inyong mga silingan, ang inyong mga higala, ang inyong mga paryente nga dugay nang wala makabalik sa Simbahan. Ayaw ninyo pasagdi nga molabay kining panahon sa grasya,” panawagan ng obispo.

Umaasa rin si Bishop Bagaforo na ang pagdalaw ng Mahal na Birhen ay magbubunga ng mas matatag na pananampalataya, pagkakaisa ng mga pamilya, at higit na paglapit kay Kristo.

Dalangin din ng obispo na sa pamamagitan ng Our Lady of Guadalupe ay makamtan ng mga maysakit ang kagalingan, ng mga nawawalan ng pag-asa ang panibagong pag-asa, at ng bansa ang pagkakaisa sa halip na pagkakawatak-watak.

Ang pagbisita ng pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe sa Diocese of Kidapawan ay bahagi ng national pilgrimage ng imahen sa Pilipinas na naglalayong palalimin ang debosyon sa Mahal na Birhen at akayin ang mga mananampalataya tungo sa mas matibay na pananampalataya kay Hesukristo.

Ito rin ay bahagi ng paghahanda sa Project Guadalupana ng Mexico sa paggunita ng ika-500 anibersaryo ng aparisyon ng Our Lady of Guadalupe sa Tepeyac kay San Juan Diego na gugunitain sa taong 2031.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 42,927 total reads

 42,927 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 147,680 total reads

 147,680 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 233,790 total reads

 233,790 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 303,924 total reads

 303,924 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 335,818 total reads

 335,818 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top