Hontiveros, tiniyak ang suporta sa mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,271 total views

Tiniyak ni Senator Risa Hontiveros ang patuloy na pakikiisa at pagsisilbing boses ng mga manggagawa.

Sa paggunita ng pandaigdigang araw ng paggawa, ipinangako ni Hontiveros ang suporta sa mga batas na magpapabuti sa kalidad ng pamumuhay ng mga manggagawa.

Tinukoy ng Senador ang Senate Bill 2534 o 100-pesos Daily Minimum Wage Increase Act na pasado na sa Senado.

“Well mismong ang kilusang paggawa ay hindi tumitigil sa paghahain ng mga priority legislative agenda, mula dito sa 100-pesos across the board wage increase sa mga minimum wage earners na isang hakbang patungo sa living wage na inyong ipinaglalaban,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Hontiveros.

Isinusulong ng mambabatas ang mga hakbang na magbibigay proteksyon sa mga unyon at pagtatatag nito upang magpatuloy ang collective bargaining agreement.

Ipinarating din ng Senador sa mga manggagawa ang kahandaan na makipag-negosasyon para sa collective bargaining agreements sa mga employer.

“Hanggang sa pagsusulong ninyo ng inyong mga karapatan na makapag-organisa ng mga unyon, makipag-negosasyon para sa collective bargaining agreements at tuwing kinakailangan na makapag-welga hanggang papo sa inyong mga laban para sa isang makataong pamumuhay na mayroong karapatan at kagalingan ng bawat pamilya ng manggagawa, so kung ganiyan kayo mga kasama kayo sa mga kilusang paggawa, paano naman kami, yung mga ibang kasama sa SIKLAB at kami rin inyong kaalyado sa loob ng senado ay sasabayan po kayo, yan po ang aking panata,” ayon pa sa mensahe ni Hontiveros.

Ginawa ng Senador ang labor day message sa idinaos na misang pinangunahan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo para sa Dalangin ng Manggagawang Pilipino: Sahod Itaas, ChaCha Iatras! sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 27,879 total views

 27,879 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 77,893 total views

 77,893 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 73,762 total views

 73,762 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 109,403 total views

 109,403 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 116,421 total views

 116,421 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Call for donations, inilabas ng CEAP

 79 total views

 79 total views Nanawagan din ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng panalangin at ikalawang koleksyon sa mga Misa sa Hunyo 14 para sa

Read More »
Scroll to Top