Santo Papa Francisco sa mga Kura Paroko: Itaguyod ang misyon at simbahang sinodal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,023 total reads

Pinaalalahanan ng Papa Francisco ang mga kura paroko sa natatanging gawain na maging tagapastol sa bawat binyagan tungo sa iisang misyong ipalaganap ang Mabuting Balita sa sanlibutan.

Sa ginanap na International Meeting “Parish Priests for the Synod” sa Roma kinilala ng santo papa ang malaking gampanin ng mga kura paroko upang itaguyod ang pagiging misyonerong simbahang sinodal lalo’t ito ang nangangasiwa ng mga programang magbubuklod sa nasasakupang kawan.

“As pastors, we are called to accompany in this process the communities that we serve, and at the same time to commit ourselves with prayer, discernment, and apostolic zeal in ensuring that our ministry is suited to the needs of a synodal and missionary Church,” saad ni Pope Francis.

Binigyang diin ni Pope Francis na hindi magiging missionary at synodal ang simbahan kung hindi nagkakaisa ang mga parokya sa iisang misyong tagapagbahagi ng Salita ng Diyos.

Tinuran ng santo papa ang Synthesis Report sa unang bahagi ng XVI Ordinary General Assembly of the Synod of Bishops noong Oktubre kung saan makikitang nagsisimula sa pundasyon ng bawat parokya ang pagtataguyod ng misyon sa buong sambayanan.

Hiling ni Pope Francis sa bawat kura paroko na isabuhay ang natatanging ministerial charism sa higit na paglilingkod; linganin ang kakayahan sa communal discernment; at hinimok na gawing batayan ang diwa ng pagtutulungan at pakikipagkapatiran sa kapwa pari at mga obispo, upang matamo ang minimithing simbahang sama-samang naglalakbay.

“We cannot be authentic fathers unless we are first sons and brothers. And we cannot foster communion and participation in the communities entrusted to our care unless, before all else, we live out those realities among ourselves,” saad ng Santo Papa.

Hinikayat ng punong pastol ang mga kura paroko na magnilay na naayon sa synodal at missionary mindset upang higit na matulungan ang simbahan sa pagpapatuloy ng Synodal process kung saan gaganapin ang ikalawang bahagi ng Synod of Bishops sa October 2024.

Dumalo sa pagtitipon ang humigit kumulang 300 parish priests mula sa iba’t ibang panig ng daigdig kabilang na si Hello Father 911 anchor Fr. Jason Laguerta na kasalukuyang kura paroko ng Sta. Maria Goretti Parish ng Archdiocese of Manila.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 17,849 total reads

 17,849 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 38,455 total reads

 38,455 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 108,521 total reads

 108,521 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 193,889 total reads

 193,889 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 240,625 total reads

 240,625 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 288,497 total reads

 288,497 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 386,881 total reads

 386,881 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top