Pagkasawi ng mga naghahatid ng tulong sa digmaan sa Gaza, ikinababahala ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,953 total reads

Ikinalungkot ng Kanyang Kabanalan Francisco ang nagpapatuloy na karahasang nangyayari sa Gaza Strip lalo na ang pagkakapaslang sa mga taong tumutulong sa mga inosenteng sibilyan.

Dalangin ni Pope Francis ang katatagan ng mga pamilyang naiwan ng mga biktima ng karahasan at muling umapela sa kinauukulan na pahintulutan ang humanitarian aid para sa kapakinabangan ng mga sibilyang naiipit sa kaguluhan.

“I express my deep regret for the volunteers killed while engaged in the distribution of humanitarian aid in Gaza. I pray for them and their families. I renew my appeal for the exhausted and suffering civilian population to be given access to humanitarian aid and for the hostages to be released immediately,” mensahe ni Pope Francis.

Batay sa ulat, pitong volunteer’s ng non-profit World Central Kitchen ang napatay sa pag-atake ng Israeli military habang naghahatid ng mga pagkain sa mga nagugutom na sibilyan sa Gaza.

Tinamaan ang kanilang convoy sa pag-atake sa Deir Al-Balah warehouse dala ang mahigit sa 100 toneladang pagkain, sa kabila ng pakikipag-ugnayan sa Israel Defense Forces.

Kabilang sa mga nasawi ang isang US-Canada national, mga indibidwal mula Australia, Poland, tatlong taga United Kingdom at isang Palestinian.

Panawagan ni Pope Francis sa magkabilang panig na iwasan ang anumang hakbang na magpapalala sa sitwasyon sa lugar sa halip ay magtulungang isulong ang pagkakasundo para sa kapayapaan ng pamayanan.

“Let us avoid all irresponsible attempts to broaden the conflict in the region, and let us work so that this and other wars that continue to bring death and suffering to so many parts of the world may end as soon as possible. Let us pray and work tirelessly for weapons to be silenced and for peace to reign once again,” ani Pope Francis.

Mula nang sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group nasa 165 volunteer’s ng United Nations Relief and Works Agency for Palestinian Refugees ang nasawi.

Patuloy ang panalangin ng simbahang katolika na mawakasan ang mga digmaang nangyayari sa iba’t ibang bahagi ng daigdig at binigyang diin na pawang pagkasira ng lipunan ang idudulot ng karahasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 37,378 total reads

 37,378 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 73,167 total reads

 73,167 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 299,437 total reads

 299,437 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 192,905 total reads

 192,905 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 284,934 total reads

 284,934 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top