Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Masakit na katotohanan ang pagkasira ng kalikasan

SHARE THE TRUTH

 12,389 total views

Nabahala si Tagbilaran, Bohol Bishop Alberto Uy hinggil sa lumalalang pag-init ng panahong nararanasan sa buong bansa.

Ayon kay Bishop Uy, ang tumataas na temperatura ng kapaligiran ay sanhi ng climate change dahil sa patuloy na pang-aabuso at pananamantala ng tao sa kalikasan.

Sinabi ng obispo na ang mga sakuna at kalamidad na nararanasan ng mga tao ay nagmimistulang ganti ng kalikasan.

Aniya, ang mga pagbabagong ito sa kapaligiran ang katotohanang dapat tanggapin at higit na maunawaan ng mga tao.

God always forgives, men sometimes forgive, but creation never forgives. If you destroy creation, creation will destroy you. Ito ang katotohanan, ayaw natin mapagsabihan kasi masakit ang katotohanan,” pahayag ni Bishop Uy.

Sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), naitala ang 44-degrees Celsius heat index sa Catarman, Northern Samar.

Panawagan naman ni Bishop Uy sa lahat na higit pang isabuhay at ipalaganap sa kapwa ang pagiging responsableng katiwala ng sangnilikha upang makatuwang sa pagtugon sa lumalalang pag-init ng kapaligiran.

Paalala din ng obispo na ingatan ang kalusugan laban sa mga karamdamang maaaring makuha mula sa labis na init ng panahon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bihag ng sugal

 16,584 total views

 16,584 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 67,309 total views

 67,309 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 83,397 total views

 83,397 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 120,618 total views

 120,618 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 10,328 total views

 10,328 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 10,653 total views

 10,653 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 35,844 total views

 35,844 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top