Bishop Bagaforo, inihalal na bagong chairman ng CBCP-ECID

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,560 total views

Inihalal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo bilang bagong chairman ng Episcopal Commission on Interreligious Dialogue.

Si Bishop Bagaforo ang hahalili kay Prelature of Marawi Bishop Edwin de la Peña na magtatapos ang termino sa November 30, 2025.

Ang pagkakahalal sa obispo sa bagong tungkulin ay kasabay ng ginanap na 130th CBCP Plenary Assembly sa Anda Bohol.

Kilala si Bishop Bagaforo sa kanyang pamumuno sa pagsusulong ng kapayapaan, pakikipagtulungan sa iba’t ibang pananampalataya, at pagtataguyod ng katarungang panlipunan.

Naakma ang panibagong tungkulin ng obispo dahil sa kanyang malawak na karanasan sa pakikipag-ugnayan sa mga iba’t ibang grupo, relihiyon, at denominasyon, lalo na sa Mindanao.

“He will begin his new role with the Commission on Interreligious Dialogue as he concludes his term with Caritas Philippines, continuing his mission to promote unity, understanding, and cooperation among diverse faith communities across the country,” ayon sa anunsyo ng Caritas Philippines.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Bishop Bagaforo ang Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace (ECSA-JP) at siya rin ang pangulo ng Caritas Philippines, ang humanitarian, development, at advocacy arm ng CBCP.

Magsisimula ang kanyang dalawang taong termino bilang pinuno ng Commission on Interreligious Dialogue sa Disyembre 1, 2025.

Samantala, si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza—na kasalukuyang vice chairman ng ECSA-JP at Caritas Philippines—ang itatalaga bilang kapalit ni Bishop Bagaforo sa dalawang posisyong ito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 26,274 total views

 26,274 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 44,074 total views

 44,074 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 44,074 total views

 44,074 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 156,956 total views

 156,956 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 177,257 total views

 177,257 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 8,816 total views

 8,816 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top