Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,219 total views

Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang bagong chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Healthcare (ECHC).

Hahalili si Bishop Evangelista kay Naval, Biliran Bishop Rex Ramirez, na nagsilbing pinuno ng komisyon mula 2019 sa loob ng anim na taon, kabilang na sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Inanunsyo ang bagong tungkulin ng obispo sa katatapos lamang na 130th CBCP Plenary Assembly na ginanap sa Anda, Bohol.

“Mula sa sambayanang Kabitenyo, isang taus-pusong pagbati ang ipinapaabot natin sa ating minamahal na Obispo, Lubhang Kagalang-galang Reynaldo G. Evangelista, D.D., sa kanyang bagong tungkulin bilang Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care,” pagbati ng diyosesis.

Bago ito, nagsilbi si Bishop Evangelista bilang chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Public Affairs mula 2019 hanggang 2023.

Samantala, nagpahayag din ng pagbati ang mga kawani at tagapaglingkod ng CBCP–ECHC kay Bishop Evangelista, gayundin ang pasasalamat kay Bishop Ramirez sa kanyang tapat na paglilingkod sa komisyon, lalo na sa panahon ng krisis sa kalusugan dulot ng pandemya.

Magtatapos ang termino ni Bishop Ramirez sa November 30, 2025, habang si Bishop Evangelista naman ay opisyal na magsisimula sa December 1, 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 20,977 total views

 20,977 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 49,328 total views

 49,328 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 117,058 total views

 117,058 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 140,209 total views

 140,209 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 208,859 total views

 208,859 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top