NCCP, tiniyak ang buong suporta sa humanitarian work ng simbahang katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 67,015 total views

Tiniyak ng National Council of Churches in the Philippines (NCCP) ang pakikipagtulungan sa Simbahang Katolika sa pagsasakatuparan ng iba’t ibang mga humanitarian work sa bansa.

Kasabay ng pagbati para sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kay San Carlos Bishop Gerardo Alimanaza bilang bagong chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace ay tiniyak rin ng NCCP ang patuloy na pakikipagtulungan sa mga gawaing pagtulong ng Simbahan.

Ayon sa NCCP, sa pamamagitan ng Philippine Faith-Based Organization Forum (FBO PH) ay makakaasa ang Simbahang Katolika sa patuloy na pakikipagtulungan sa pagsasakatuparan ng iba’t ibang humanitarian work sa bansa lalo’t higit para sa kapakanan ng mga nangangailangan sa lipunan.

“The National Council of Churches in the Philippines congratulates The Most Rev. Gerardo A. Alminaza, D.D. on his election as the new Chair of the Episcopal Commission on Social Action-Justice and Peace (ECSA-JP) and President of Caritas-Philippines. The NCCP welcomes and assures the Bishop of enhanced cooperation in humanitarian work through the Philippine Faith-Based Organization Forum (FBO PH) in serving the people in need.” Bahagi ng pagbati ng NCCP.

Ipinapalangin din ng NCCP, ang patuloy na paggabay at patnubay ng Banal na Espiritu sa pagsasakatuparan ni Bishop Alminaza sa kanyang panibagong misyong pangasiwaan ang pagsusulong at pagtataguyod ng Simbahan ng kapayapaan, katarungang panlipunan, karapatang pantao at pangangalaga sa sangnilikha.

“We pray that the Bishop’s ministry will continue to thrive through advocating for justice, peace, and safeguarding the integrity of creation.” Dagdag pa ng NCCP.

Kaakibat ng pagiging bagong chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace ay magsisilbi rin si Bishop Alminaza bilang bagong pangulo ng Caritas Philippines na humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP.

Si Bishop Alminaza ang kasalukuyang vice chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace at vice president ng Caritas Philippines magmula noong taong 2019.

Kilala si Bishop Alminaza sa kanyang adbokasiya sa pagsusulong ng karapatang pantao, katarungang panlipunan at pangangalaga ng kalikasan sa bansa.

Bahagi ng naganap na 130th Plenary Assembly ng CBCP sa Anda, Bohol noong ika-5 hanggang ika-7 ng Hulyo, 2025 ang paghalal ng mga bagong pamunuan para sa iba’t ibang komisyon ng CBCP.

Magsisimula ang bagong katungkulan ni Bishop Alminaza bilang hahalili ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa December 1, 2025 kung saan magtatapos ang termino ng mga nakalipas na opisyal sa November 30, 2025.

Ang mga opisyal ng CBCP ay maglilingkod sa loob ng dalawang taon para sa isang termino at maaring muling ihalal sa pangalawang termino o kabuuang apat na taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 6,021 total views

 6,021 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 15,385 total views

 15,385 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 41,841 total views

 41,841 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 92,336 total views

 92,336 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 97,530 total views

 97,530 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top